Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ypq tanong 5 p. 15-17
  • Ano ang Gagawin Ko Kapag Binu-bully Ako sa School?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Gagawin Ko Kapag Binu-bully Ako sa School?
  • Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Gagawin Ko Kapag Binu-bully Ako?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Paglaya Mula sa Paninindak
    Gumising!—2003
  • Paninindak—Ilang Sanhi at Epekto
    Gumising!—2003
  • Paninindak—Isang Pangglobong Problema
    Gumising!—2003
Iba Pa
Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
ypq tanong 5 p. 15-17
Batang binu-bully sa harap ng mga kaklase niya

TANONG 5

Ano ang Gagawin Ko Kapag Binu-bully Ako sa School?

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Bubuti o sasamâ ang mga bagay-bagay depende sa gagawin mo.

ANO ANG GAGAWIN MO?

Pag-isipan ang senaryong ito: Ayaw pumasok ni Thomas sa school ngayon, bukas, o kahit kailan. Nagsimula ito tatlong buwan na ang nakararaan nang kumalat ang masasamang kuwento tungkol sa kaniya mula sa mga kaeskuwela niya. Kung ano-ano ang ibinansag sa kaniya. Kung minsan, may tumatabig sa mga dala niyang libro at pinalalabas na hindi iyon sinasadya, o may tutulak sa kaniya, at paglingon ni Thomas, hindi na niya alam kung sino ang gumawa niyaon. Kahapon, mas grabeng pambu-bully ang dinanas ni Thomas nang pagbantaan siya sa social media . . .

Kung ikaw si Thomas, ano ang gagawin mo?

MAG-ISIP MUNA!

May magagawa ka! Ang totoo, puwede mong labanan ang bully nang hindi nakikipag-away. Paano?

  • HUWAG MAG-REACT. Ang sabi ng Bibliya: “Ibinubuhos ng mangmang ang labis niyang pagkagalit, ngunit ang sarili’y napipigil ng taong matuwid.” (Kawikaan 29:11, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino) Kung mananatili kang kalmado—kahit sa panlabas lang—baka tigilan ka na ng mga nambu-bully sa iyo.

  • HUWAG GUMANTI. Ang sabi ng Bibliya: “Huwag gumanti kaninuman ng masama.” (Roma 12:17) Kapag gumanti ka, lalo lang lalalâ ang sitwasyon.

  • HUWAG LUMAPIT SA MGA BULLY. Ang sabi ng Bibliya: “Matalino ang nakakakita ng kapahamakan at nagkukubli.” (Kawikaan 22:3) Hangga’t posible, iwasan ang mga bully at ang mga sitwasyon na puwede kang ma-bully.

  • SUMAGOT SA PARAANG DI-INAASAHAN NG NAMBU-BULLY. Ang sabi ng Bibliya: “Ang sagot, kapag mahinahon, ay pumapawi ng pagngangalit.” (Kawikaan 15:1) Puwede ka pa ngang magpatawa. Halimbawa, kung inaasar ka ng isang bully at sinasabing mataba ka, bale-walain mo na lang at sabihin, “Oo nga, magpapayat na ako!”

  • UMALIS. “Ang pagtahimik ay nagpapakitang mature ka at na mas matatag ka kaysa sa nang-iinis sa iyo,” ang sabi ng 19-anyos na si Nora. “Ibig sabihin, may pagpipigil ka sa sarili—isang bagay na wala sa nambu-bully.”—2 Timoteo 2:24.

  • MAGKAROON NG KUMPIYANSA SA SARILI. Nahahalata ng bully kung sino ang may mababang tingin sa sarili at hindi lumalaban. Pero umuurong ang mga bully kapag nakita nilang hindi ka magpapatalo sa kanila.

  • MAGSUMBONG. Ang sabi ng isang dating titser: “Pinapayuhan ko ang sinumang binu-bully na magsumbong. Iyon ang tamang gawin, at makakatulong iyon para hindi na ma-bully ang iba.”

Lalaking hindi natatakot sa bully dahil may kumpiyansa siya sa sarili

Kapag may kumpiyansa ka sa sarili, makadarama ka ng lakas na wala sa nambu-bully

ALAM MO BA?

Bukod sa pisikal na pananakit, kasama din sa pambu-bully ang:

  • Mga salitang parang apoy na lumalabas sa bibig ng bully

    Pagsasalita ng masakit. “Hindi ko malilimutan ang mga bansag nila sa akin o ang mga pinagsasasabi nila. Pakiramdam ko tuloy wala akong halaga, iniiwasan, at walang kuwenta. Mas mabuti pa ngang sinuntok na lang nila ako.”—Celine, 20.

  • Lalaking nakaupong mag-isa dahil iniiwasan siya ng mga kasama niya

    Iniiwasang makasama. “Iniiwasan ako ng mga kaeskuwela ko. Pinalalabas nilang wala nang lugar sa mesa para hindi ako makakaing kasama nila. Buong taon akong laging umiiyak at kumakaing mag-isa.”—Haley, 18.

  • Babaeng napaurong mula sa computer niya matapos mabiktima ng cyberbullying

    Cyberbullying. “Sa ilang pindot lang sa computer, puwede mo nang masira ang reputasyon ng isang tao—o pati ang buhay niya. Parang sobra naman ang mga salitang iyan, pero puwedeng mangyari iyan!”—Daniel, 14.

TUNGKOL SA PAMBU-BULLY

TAMA O MALI

SAGOT

1 Libo-libong taon nang nangyayari ang pambu-bully.

1 Tama. Halimbawa, binabanggit sa Bibliya ang tungkol sa mga Nefilim—isang grupo na ang pangalan ay nangangahulugang “Yaong mga Nagpapangyari na Mabuwal ang Iba.”—Genesis 6:4.

2 Ang pambu-bully ay isa lamang biro. Hindi ito seryosong bagay.

2 Mali. Ang pambu-bully ay isa sa mga dahilan ng pagpapakamatay ng maraming kabataan.

3 Ang pinakamabuting paraan para mapahinto ang isang bully ay ang gumanti.

3 Mali. Kadalasan nang mas malakas ang mga bully kaysa sa mga biktima nila, kaya walang magagawa ang pagganti.

4 Kapag may nakikita kang binu-bully, mas mabuting huwag na lang itong pansinin.

4 Mali. Sa kasong ito, hindi mo puwedeng sabihing wala kang kinalaman doon. Kapag may nakita kang binu-bully at wala kang ginawa, para mo na ring kinampihan ang nambu-bully.

5 Bagaman mayabang magsalita ang mga bully, kadalasan nang insecure sila.

5 Tama. Bagaman mataas ang tingin sa sarili ng ilang bully, marami sa kanila ang insecure at ibinababa nila ang iba para maiangat ang sarili.

6 Puwedeng magbago ang mga bully.

6 Tama. Kung tutulungan, puwedeng magbago ang paraan ng pag-iisip at pagkilos ng mga bully.

ANG PLANO KONG GAWIN

  • Ano ang gagawin ko kapag nilapitan ako ng isang bully?

ALAMIN PA!

Talunin ang Bully Nang Hindi Nakikipag-away

Panoorin ang whiteboard animation na Talunin ang Bully Nang Hindi Nakikipag-away sa www.jw.org/tl. (Tingnan sa TURO NG BIBLIYA > TIN-EDYER)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share