Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ypq tanong 7 p. 21-23
  • Paano Kung Pinipilit Akong Makipag-Sex?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Kung Pinipilit Akong Makipag-Sex?
  • Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
  • Kaparehong Materyal
  • Makakatulong Kaya sa Relasyon Namin ang Sex?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Makakatulong Kaya sa Relasyon Namin ang Sex?
    Gumising!—2010
  • Paano Ko Tatanggihan ang Pressure na Makipag-sex?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Paano Ko Ipaliliwanag ang Aking Paniniwala Tungkol sa Sex?
    Tanong ng mga Kabataan
Iba Pa
Sagot sa 10 Tanong ng mga Kabataan
ypq tanong 7 p. 21-23
Tin-edyer na talagang tumatanggi sa gustong gawin ng lalaki

TANONG 7

Paano Kung Pinipilit Akong Makipag-sex?

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA

Ang mga desisyon mo tungkol sa sex ay may malaking epekto sa iyong kinabukasan.

ANO ANG GAGAWIN MO?

Pag-isipan ang senaryong ito: Dalawang buwan pa lang na boyfriend ni Heather si Mike, pero pakiramdam niya, matagal na silang magkakilala. Lagi silang magkatext, laging magkausap sa telepono, at kabisado na nga nila ang linya ng isa’t isa! Pero ngayon, may iba nang gustong gawin si Mike.

Sa nakalipas na dalawang buwan, hanggang hawakán lang sila ng kamay at kaunting halik. Ayaw ni Heather na lumampas pa roon. Pero ayaw din naman niyang mawala si Mike. Kapag kasama niya si Mike, pakiramdam niya, isa siyang prinsesa. ‘Tutal,’ ang katuwiran niya, ‘nagmamahalan naman kami ni Mike . . .’

Kung nasa edad ka na para makipag-date at nasa sitwasyon ka ni Heather, ano ang gagawin mo?

MAG-ISIP MUNA!

Damit na ginawang basahan

Ang sex ay regalo ng Diyos para sa mga mag-asawa lang. Ang pakikipag-sex bago ang kasal ay pag-abuso sa regalong iyan. Parang isang magandang damit na iniregalo sa iyo pero ginawa mong basahan

Kung lalabagin mo ang isang batas ng kalikasan, gaya ng batas ng grabidad, mapapahamak ka. Ganiyan din kung lalabagin mo ang batas tungkol sa moral, gaya ng: “Umiwas kayo sa pakikiapid.” —1 Tesalonica 4:3.

Ano ang resulta ng paglabag sa utos na iyan? Sinasabi ng Bibliya: “Siya na namimihasa sa pakikiapid ay nagkakasala laban sa kaniyang sariling katawan.” (1 Corinto 6:18) Paano?

Natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga kabataang nakikipag-sex bago ang kasal ay kadalasan nang nakararanas ng sumusunod.

  • NAKOKONSENSIYA. Sinasabi ng karamihan sa mga kabataang nakipag-sex bago ang kasal na pinagsisihan nila ito.

  • NAWAWALAN NG TIWALA. Pagkatapos mag-sex, pareho silang nag-iisip, ‘Kanino pa kaya siya nakipag-sex?’

  • NADIDISMAYA. Sa totoo lang, ang gusto ng maraming babae ay isa na magtatanggol sa kanila, hindi ang isa na magsasamantala sa kanila. At maraming lalaki ang nawawalan ng interes sa isang babaeng napapayag nila sa gusto nila.

  • Tandaan: Kapag pumayag kang makipag-sex, pinabababa mo ang iyong sarili at nawawalan ka ng isang bagay na mahalaga. (Roma 1:24) Ang katawan mo ay napakahalaga para ipamigay mo lang!

Ipakita mong kaya mong “umiwas . . . sa pakikiapid.” (1 Tesalonica 4:3) Kapag kasal ka na, puwede ka nang makipag-sex. At magagawa mo ito nang walang halong pangamba, pagsisisi, at takot, na karaniwang resulta ng pakikipag-sex bago ang kasal.—Kawikaan 7:22, 23; 1 Corinto 7:3.

ANO SA PALAGAY MO?

  • Kung talagang mahal ka niya, magagawa ba niyang saktan ang iyong damdamin at pagkatao?

  • Kung talagang nagmamalasakit siya, hihikayatin ka ba niyang gumawa ng isang bagay na sisira sa kaugnayan mo sa Diyos?—Hebreo 13:4.

PARA SA MGA BABAE

Tin-edyer na nakaupo at nag-iisip

Maraming lalaki ang nagsasabing hindi nila pakakasalan ang babaeng naka-sex nila. Bakit? Mas gusto kasi nila ang virgin!

Nagulat ka ba—o baka nagalit pa nga? Tandaan: Sa mga pelikula at TV, pinalalabas nilang walang masama at okey lang mag-sex ang mga tin-edyer o tanda pa nga ito ng tunay na pag-ibig.

Pero huwag kang magpadaya! Sarili lang ang iniisip ng magyayaya sa iyo na makipag-sex bago ang kasal.—1 Corinto 13:4, 5.

PARA SA MGA LALAKI

Tin-edyer na nakaupo at nag-iisip

Kapag nakikipag-date ka, tanungin ang sarili, ‘Talaga bang mahal ko ang girlfriend ko?’ Kung oo ang sagot mo, paano mo ito maipapakita? Dapat na may lakas ka para sundin ang mga batas ng Diyos, karunungan para umiwas sa mga alanganing sitwasyon, at pag-ibig para unahin ang kaniyang kapakanan.

Kung nasa iyo ang mga katangiang iyan, malamang na masabi rin ng girlfriend mo ang gaya ng nasabi ng mabuting Shulamita: “Ang mahal ko ay akin at ako ay kaniya.” (Awit ni Solomon 2:16) Sa madaling salita, mas lalo ka niyang mamahalin!

TIP

Kung may magyayaya sa iyo na makipag-sex at sabihing, “Kung mahal mo ako, papayag ka,” matatag na sumagot, “Kung talagang mahal mo ako, hindi mo ipapagawa sa akin ’yan!”

Kapag may kasamang di-kasekso, tandaan: Kung hindi mo kayang gawin ang isang bagay sa harap ng mga magulang mo, huwag mo itong gagawin.

ANG PLANO KONG GAWIN

  • Ano ang gagawin mo kapag may nagyaya sa iyo na makipag-sex?

  • Sa ano-anong sitwasyon mas mahihirapan kang magsabi ng hindi?

  • Paano mo maiiwasan ang mga sitwasyong iyon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share