Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 9 p. 28-p. 29 par. 1
  • Magkakaanak Na!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magkakaanak Na!
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Tinawag Siya ng Diyos na “Prinsesa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Sara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Abraham at Sara—Matutularan Mo ang Kanilang Pananampalataya!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • “Ikaw ay Isang Babaing Maganda”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 9 p. 28-p. 29 par. 1
Nakikinig si Sara mula sa loob ng tolda habang kausap ng mga anghel si Abraham

ARAL 9

Magkakaanak Na!

Matagal nang mag-asawa sina Abraham at Sara. Iniwan nila ang magandang bahay nila sa Ur at tumira sa tolda. Pero hindi nagreklamo si Sara dahil may tiwala siya kay Jehova.

Gustong-gusto ni Sara na magkaanak, kaya sinabi niya kay Abraham: ‘Kung magkakaanak ang alipin kong si Hagar, parang anak ko na rin ’yon.’ Nang maglaon, nagkaanak si Hagar ng isang lalaki. Ismael ang pangalan niya.

Nagdadalang-tao si Sara

Pagkalipas ng maraming taon, noong si Abraham ay 99 na taon at si Sara naman ay 89, may dumating na tatlong bisita. Niyaya sila ni Abraham sa lilim ng isang puno para makapagpahinga at makakain. Alam mo ba kung sino ang mga bisita? Mga anghel! Sinabi nila kay Abraham: ‘Sa isang taon, magkakaanak kayo ng isang lalaki.’ Nakikinig noon si Sara sa loob ng tolda. Natawa siya at naisip niya: ‘Magkakaanak pa ba ako sa tanda kong ’to?’

Nang sumunod na taon, nagkaanak nga si Sara ng isang lalaki, gaya ng sinabi ng anghel ni Jehova. Pinangalanan ito ni Abraham na Isaac, ibig sabihin, “Pagtawa.”

Nang mga limang taon na si Isaac, nakita ni Sara na lagi itong inaasar ni Ismael. Gusto niyang protektahan ang anak niya, kaya sinabi niya kay Abraham na paalisin sina Hagar at Ismael. Ayaw pumayag ni Abraham. Pero sinabi ni Jehova kay Abraham: ‘Makinig ka kay Sara. Ako ang bahala kay Ismael. Pero kay Isaac matutupad ang aking mga pangako.’

Hawak ni Sara si Isaac habang paalis sina Hagar at Ismael

“Dahil din sa pananampalataya, nagdalang-tao si Sara . . . , dahil naniniwala siyang tapat ang nangako nito.”​—Hebreo 11:11

Tanong: Ano ang narinig ni Sara na sinasabi ng mga anghel kay Abraham? Paano pinrotektahan ni Jehova si Isaac?

Genesis 16:1-4, 15, 16; 17:25-27; 18:1-15; 21:1-14; Hebreo 11:11

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share