Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 10 p. 30
  • Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Lumingon ang Asawa ni Lot
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Maghanda Para sa Kaligtasan sa Isang Bagong Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Lot
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nakipagtipan ang Diyos kay Abraham
    Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 10 p. 30
Naging haliging asin ang asawa ni Lot habang tumatakas si Lot at ang mga anak niya mula sa Sodoma

ARAL 10

Tandaan ang Nangyari sa Asawa ni Lot

Si Lot ay kasama ng tiyuhin niyang si Abraham sa Canaan. Dumami nang dumami ang mga alagang hayop nina Abraham at Lot kaya halos hindi na sila magkasya sa lupain. Sinabi ni Abraham kay Lot: ‘Parang masikip na tayo dito. Pumili ka ng lugar na gusto mo, at doon naman ako sa lugar na hindi mo napili.’ Napakabait ni Abraham, ’di ba?

Nakakita si Lot ng magandang lugar malapit sa lunsod na tinatawag na Sodoma. Maraming tubig doon at maberde ang mga damo. Kaya iyon ang pinili niya at lumipat sila doon.

Masasamang tao ang mga taga-Sodoma at ang mga nasa kalapit na lunsod ng Gomorra. Sa sobrang samâ nila, nagdesisyon si Jehova na wasakin ang mga lunsod na iyon. Pero gusto ng Diyos na iligtas si Lot at ang pamilya nito, kaya nagpadala siya ng dalawang anghel para sabihin sa kanila: ‘Dali! Umalis na kayo sa lunsod na ito! Wawasakin ito ni Jehova.’

Ayaw pang umalis agad ni Lot. Kaya hinila ng mga anghel si Lot, ang asawa niya, at ang dalawa niyang anak na babae palabas ng lunsod, at sinabi: ‘Takbo! Tumakas kayo, at huwag kayong lilingon. Kapag lumingon kayo, mamamatay kayo!’

Umuulan ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra

Pagdating nila sa lunsod ng Zoar, nagpaulan si Jehova ng apoy at asupre sa Sodoma at Gomorra. Wasák na wasák ang dalawang lunsod na iyon. Hindi nakinig kay Jehova ang asawa ni Lot. Lumingon siya, at naging haliging asin! Pero nakaligtas si Lot at ang mga anak niya dahil sumunod sila kay Jehova. Siguradong nalungkot sila dahil hindi nakinig ang asawa ni Lot. Pero masaya pa rin sila kasi sinunod nila ang mga utos ni Jehova.

“Alalahanin ang asawa ni Lot.”​—Lucas 17:32

Tanong: Bakit winasak ni Jehova ang Sodoma at Gomorra? Bakit naging haliging asin ang asawa ni Lot?

Genesis 13:1-13; 19:1-26; Lucas 17:28, 29, 32; 2 Pedro 2:6-9

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share