Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 12 p. 34
  • Napunta kay Jacob ang Mana

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napunta kay Jacob ang Mana
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Magkakambal Nguni’t Magkaiba
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Esau
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ingatan ang Iyong Mana—Gumawa ng Matalinong mga Pasiya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Nagbatî Sina Jacob at Esau
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 12 p. 34
Binigyan ni Jacob si Esau ng isang mangkok ng nilaga kapalit ng pagkapanganay ni Esau

ARAL 12

Napunta kay Jacob ang Mana

Sina Isaac at Rebeka kasama ng kanilang kambal na sina Jacob at Esau

Si Isaac ay 40 taon nang mapangasawa niya si Rebeka. Mahal na mahal niya ito. Nagkaroon sila ng dalawang anak—kambal na lalaki.

Ang mas matanda ay si Esau at ang nakababata ay si Jacob. Si Esau ay mahilig mangaso, o manghuli ng hayop. Pero si Jacob ay lagi lang sa bahay.

Noon, mas malaki ang ibinibigay na lupain at pera sa panganay na lalaki kapag namatay ang tatay. Ang tawag doon ay mana. Sa pamilya ni Isaac, kasama rin sa mana ang pagkakaroon ng bahagi sa mga pangako ni Jehova kay Abraham. Bale-wala kay Esau ang mga pangakong iyon, pero alam ni Jacob na napakahalaga ng mga ito.

Sina Jacob at Esau

Isang araw, umuwi si Esau na pagód na pagód sa pangangaso. Naamoy niya ang pagkaing niluluto ni Jacob at sinabi: ‘Gutóm na gutóm ako! Pahingi ng nilagang iyan!’ Sinabi ni Jacob: ‘Sige, pero sa ’kin na lang ang mana mo.’ Sinabi ni Esau: ‘Wala akong pakialam sa mana ko! Sa iyo na ’yon. Ang gusto ko, pagkain.’ Tama kaya ang ginawa ni Esau? Hindi. Ipinamigay ni Esau ang isang napakahalagang bagay kapalit lang ng isang mangkok ng nilaga.

Nang matandang-matanda na si Isaac, kailangan na niyang ibigay ang mana sa panganay niyang anak. Pero tinulungan ni Rebeka ang nakababatang si Jacob na makuha ang mana. Nang malaman ito ni Esau, galít na galít siya at gusto niyang patayin ang kakambal niya. Para protektahan si Jacob, sinabi nina Isaac at Rebeka sa kaniya: ‘Tumakas ka at makitira sa kapatid ng nanay mong si Laban hanggang sa mawala ang galit ni Esau.’ Nakinig si Jacob sa mga magulang niya at tumakas siya.

“Ano ang saysay na makuha ng isang tao ang buong mundo kung mamamatay naman siya? Ano nga ba ang maibibigay ng isang tao kapalit ng buhay niya?”—Marcos 8:36, 37

Tanong: Anong klaseng tao si Esau? Anong klaseng tao si Jacob? Bakit kay Jacob napunta ang mana at hindi kay Esau?

Genesis 25:20-34; 27:1–28:5; Hebreo 12:16, 17

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share