Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 25 p. 64-p. 65 par. 3
  • Tabernakulo Para sa Pagsamba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tabernakulo Para sa Pagsamba
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Tolda ng Patotoo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pahalagahan ang Pribilehiyo na Sambahin si Jehova sa Espirituwal na Templo Niya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
  • Tolda ng Kapisanan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tabernakulo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 25 p. 64-p. 65 par. 3
Ang tabernakulo at ang bakuran nito

ARAL 25

Tabernakulo Para sa Pagsamba

Noong nasa Bundok Sinai si Moises, inutusan siya ni Jehova na magtayo ng isang espesyal na tolda, o tent, na tinatawag na tabernakulo. Doon sasambahin ng mga Israelita si Jehova. Puwede nilang ilipat ang tabernakulo kahit saan sila pumunta.

Sinabi ni Jehova: ‘Sabihin mo sa bayan na magbigay ng anumang kaya nila para makapagtayo ng tabernakulo.’ Nagbigay ang mga Israelita ng ginto, pilak, tanso, mahahalagang bato, at mga alahas. Nagbigay din sila ng mamahaling mga tela, balat ng hayop, at marami pang iba. Napakarami nilang ibinigay, kaya sinabi ni Moises: ‘Tama na. Huwag n’yo nang dagdagan.’

Nagdala ng mga regalo ang mga Israelita para sa pagtatayo ng tabernakulo

Maraming mahuhusay na lalaki at babae ang tumulong sa pagtatayo ng tabernakulo. Binigyan sila ni Jehova ng talino para sa trabahong ito. May mga nag-iikid ng sinulid, naghahabi ng tela, o nagbuburda. Ang iba naman ay nagkakabit ng mga bato, gumagawa ng kagamitang ginto, at nag-uukit ng kahoy.

Ginawa nila ang tabernakulo ayon sa utos ni Jehova. Gumawa sila ng isang magandang kurtina para paghiwalayin ang dalawang bahagi ng tabernakulo, ang Banal at ang Kabanal-banalan. Nasa loob ng Kabanal-banalan ang kaban ng tipan, na yari sa ginto at kahoy na akasya. Sa loob naman ng Banal, may kandelerong ginto, mesa, at altar para sa pagsusunog ng insenso. Sa bakuran naman, may hugasang yari sa tanso at isang malaking altar. Ang kaban ng tipan ay nagpapaalaala sa mga Israelita ng kanilang pangakong susundin nila si Jehova. Alam mo ba kung ano ang tipan? Isa itong espesyal na pangako.

Si Aaron at ang mga anak niya ang pinili ni Jehova na maging saserdote sa tabernakulo. Iingatan nila ito at dito sila maghahain kay Jehova. Si Aaron lang, na mataas na saserdote, ang puwedeng pumasok sa Kabanal-banalan. Pumapasok siya dito isang beses sa isang taon at naghahain para sa kasalanan niya, ng pamilya niya, at ng buong bansang Israel.

Natapos ng mga Israelita ang tabernakulo isang taon pagkaalis nila sa Ehipto. Ngayon, may lugar na sila para sambahin si Jehova.

Pinunô ni Jehova ng kaluwalhatian niya ang tabernakulo at naglagay siya ng ulap sa ibabaw nito. Hangga’t nasa ibabaw ng tabernakulo ang ulap, nananatili ang mga Israelita. Pero kapag tumaas ang ulap, alam nilang kailangan na silang lumipat. Kakalasin nila ang tabernakulo at susundan ang ulap.

“Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono na nagsasabi: ‘Tingnan mo! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at maninirahan siyang kasama nila, at sila ay magiging bayan niya. At ang Diyos mismo ay sasakanila.’”—Apocalipsis 21:3

Tanong: Ano ang iniutos ni Jehova kay Moises na itayo? Anong atas ang ibinigay ni Jehova kay Aaron at sa mga anak nito?

Exodo 25:1-9; 31:1-11; 40:33-38; Hebreo 9:1-7

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share