Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 33 p. 82-p. 83 par. 2
  • Sina Ruth at Noemi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sina Ruth at Noemi
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Sina Ruth at Naomi
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • “Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Ruth
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • “Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 33 p. 82-p. 83 par. 2
Pinapauwi ni Noemi si Ruth

ARAL 33

Sina Ruth at Noemi

Noong panahon ng taggutom sa Israel, lumipat sa lupain ng Moab ang Israelitang si Noemi kasama ng kaniyang asawa at dalawang anak na lalaki. Nang maglaon, namatay ang asawa ni Noemi. Naging asawa ng mga anak niya sina Ruth at Orpa, na mga Moabita. Nakakalungkot, namatay din ang mga anak ni Noemi.

Nang mabalitaan ni Noemi na wala nang taggutom sa Israel, nagdesisyon siyang bumalik doon. Sumama sina Ruth at Orpa, pero habang nasa daan, sinabi ni Noemi sa kanila: ‘Naging mabubuting asawa kayo sa mga anak ko at mabubuting manugang sa akin. Gusto ko sanang makapag-asawa ulit kayo. Bumalik kayo sa Moab.’ Sinabi nila: ‘Mahal namin kayo! Hindi namin kayo iiwan.’ Pero pinapauwi pa rin sila ni Noemi. Umuwi si Orpa, pero nagpaiwan si Ruth. Sinabi ni Noemi sa kaniya: ‘Pabalik na si Orpa sa bayan niya at sa mga diyos niya. Sumama ka sa kaniya, at umuwi ka sa nanay mo.’ Pero sinabi ni Ruth: ‘Hindi ko kayo iiwan. Ang bayan n’yo ay magiging bayan ko, at ang inyong Diyos ay magiging aking Diyos.’ Ano kaya ang naramdaman ni Noemi nang sabihin iyan ni Ruth?

Pasimula ng pag-aani ng sebada nang dumating sina Ruth at Noemi sa Israel. Isang araw, pumunta si Ruth sa bukid ng lalaking ang pangalan ay Boaz, na anak ni Rahab, para mamulot ng mga natirang butil. Nabalitaan ni Boaz na si Ruth ay isang Moabita at hindi nito iniwan si Noemi. Inutusan niya ang mga trabahador na dagdagan ang ititirang butil para kay Ruth.

Namumulot ng butil si Ruth sa bukid ni Boaz

Nang gabing iyon, tinanong ni Noemi si Ruth: ‘Kaninong bukid ka nagtrabaho kanina?’ Sinabi ni Ruth: ‘Kay Boaz po.’ Sinabi ni Noemi: ‘Kamag-anak siya ng asawa ko. Do’n ka na lang lagi magtrabaho kasama ng ibang kabataang babae. Ligtas ka doon.’

Si Noemi kasama si Boaz, Ruth, at Obed

Patuloy na nagtrabaho si Ruth sa bukid ni Boaz hanggang sa matapos ang pag-aani. Napansin ni Boaz na masipag at mahusay si Ruth. Noon, kapag namatay nang walang anak ang isang lalaki, pakakasalan ng kamag-anak niya ang naiwang biyuda. Kaya pinakasalan ni Boaz si Ruth. Nagkaanak sila at pinangalanan itong Obed, na naging lolo ni Haring David. Natuwa ang mga kaibigan ni Noemi. Sinabi nila: ‘Una, ibinigay sa iyo ni Jehova si Ruth at naging napakabait n’ya sa iyo. At ngayon, may apo ka na. Purihin nawa si Jehova.’

“May kaibigang mas malapít pa kaysa sa isang kapatid.”​—Kawikaan 18:24

Tanong: Paano ipinakita ni Ruth na mahal niya si Noemi? Paano inalagaan ni Jehova sina Ruth at Noemi?

Ruth 1:1–4:22; Mateo 1:5

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share