Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 54 p. 130-p. 131 par. 1
  • Naging Matiisin si Jehova kay Jonas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naging Matiisin si Jehova kay Jonas
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • Aklat ng Bibliya Bilang 32—Jonas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Natuto si Jonas Tungkol sa Awa ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 54 p. 130-p. 131 par. 1
Habang lumulubog si Jonas sa dagat, dumating ang isang napakalaking isda

ARAL 54

Naging Matiisin si Jehova kay Jonas

Napakasama ng mga tao sa Nineve, isang lunsod sa Asirya. Pinapunta ni Jehova sa Nineve si propeta Jonas para pagsabihan ang mga tao doon na magbago. Pero hindi doon pumunta si Jonas. Sumakay siya sa barko na papuntang Tarsis.

Habang nagbibiyahe ang barko, nagkaroon ng malakas na bagyo. Takót na takót ang mga nakasakay sa barko. Nanalangin sila sa kanilang mga diyos at nagtanong: ‘Bakit po ito nangyayari?’ Sa wakas, sinabi ni Jonas: ‘Ako ang may kasalanan. Hindi kasi ako sumunod sa utos ni Jehova. Ihagis n’yo ako sa dagat, at titigil ang bagyo.’ Ayaw sana nilang ihagis si Jonas, pero pinilit niya sila. Nang ihagis nila siya, tumigil nga ang bagyo.

Akala ni Jonas, mamamatay na siya. Habang lumulubog siya, nanalangin siya kay Jehova. ’Tapos, nagpadala si Jehova ng isang napakalaking isda. Nilunok nito si Jonas, pero hindi namatay si Jonas. Mula sa tiyan ng isda, nanalangin siya: ‘Pangako po, lagi ko na kayong susundin.’ Iningatan ni Jehova si Jonas habang nasa tiyan siya ng isda sa loob ng tatlong araw. ’Tapos, iniluwa siya nito sa tuyong lupa.

Dahil iniligtas ni Jehova si Jonas, ibig bang sabihin, hindi na siya kailangang pumunta sa Nineve? Hindi. Inutusan ulit ni Jehova si Jonas na pumunta doon. At sumunod naman si Jonas. Pumunta siya doon at sinabihan ang masasamang tao doon: ‘Apatnapung araw na lang at wawasakin na ang Nineve.’ Pero nakakagulat ang sumunod na nangyari—nakinig ang mga taga-Nineve at nagbago. Sinabi ng hari ng Nineve sa mamamayan: ‘Magmakaawa kayo sa Diyos, at magsisi. Baka sakaling hindi niya tayo puksain.’ Nang makita ni Jehova na nagsisisi ang mga tao, hindi na niya winasak ang Nineve.

Dumating si Jonas sa Nineve

Nagalit si Jonas nang hindi mawasak ang lunsod. Isipin ito: Naging matiisin at maawain si Jehova kay Jonas, pero hindi naawa si Jonas sa mga taga-Nineve. Sa halip, naupo siya sa lilim ng halamang upo sa labas ng lunsod at nagmaktol. ’Tapos, namatay ang halaman, at nagalit si Jonas. Kaya sinabi ni Jehova sa kaniya: ‘Mas nanghinayang ka sa halaman kaysa sa mga taga-Nineve. Naawa ako sa kanila, at nakaligtas sila.’ Ano ang aral? Mas mahalaga ang mga tao sa Nineve kaysa sa anumang halaman.

“Matiisin [si Jehova] sa inyo dahil hindi niya gustong mapuksa ang sinuman kundi gusto niya na ang lahat ay magsisi.”​—2 Pedro 3:9

Tanong: Anong aral ang itinuro ni Jehova kay Jonas? Ano ang matututuhan natin sa nangyari kay Jonas?

Jonas 1:1–4:11

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share