Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 69 p. 164-p. 165 par. 2
  • Dinalaw ni Gabriel si Maria

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Dinalaw ni Gabriel si Maria
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Dinalaw ng Anghel si Maria
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Pinarangalan Na Bago Pa Siya Isilang
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Pinarangalan Na Bago Pa Siya Isilang
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pinarangalan si Jesus Bago Pa Isilang
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 69 p. 164-p. 165 par. 2
Nagpakita si anghel Gabriel kay Maria

ARAL 69

Dinalaw ni Gabriel si Maria

Isang anghel ang nagpakita kay Jose habang nananaginip ito

Si Elisabet ay may kamag-anak na kabataan pa. Ang pangalan nito ay Maria, na nakatira sa lunsod ng Nazaret sa Galilea. Si Maria ay ikakasal na kay Jose na isang karpintero. Noong anim na buwan nang buntis si Elisabet, nagpakita kay Maria ang anghel na si Gabriel. Sinabi niya: ‘Magandang araw, Maria. Pinagpala ka ni Jehova.’ Hindi ito naintindihan ni Maria. Pagkatapos, sinabi ni Gabriel: ‘Magbubuntis ka at magkakaanak ng isang lalaki, at Jesus ang ipapangalan mo sa kaniya. Magiging Hari siya at walang katapusan ang Kaharian niya.’

Sinabi ni Maria: ‘Pero wala akong asawa. Paano ako magkakaanak?’ Sinabi ni Gabriel: ‘Walang imposible kay Jehova. Bababa sa iyo ang banal na espiritu, at magkakaroon ka ng anak na lalaki. Ang kamag-anak mong si Elisabet ay buntis din ngayon.’ Pagkatapos, sinabi ni Maria: ‘Ako’y alipin ni Jehova. Mangyari sana sa akin ang sinabi mo.’

Dinala ni Jose ang nagdadalang-taong si Maria

Pinuntahan ni Maria si Elisabet. Nang batiin niya si Elisabet, sumipa ang sanggol sa tiyan nito. Napuno ng banal na espiritu si Elisabet, at sinabi niya: ‘Pinagpala ka ni Jehova, Maria. Karangalan kong maging bisita ang nanay ng aking Panginoon.’ Sinabi ni Maria: ‘Buong puso kong pinupuri si Jehova.’ Tumira si Maria kina Elisabet nang tatlong buwan, ’tapos, umuwi na siya sa Nazaret.

Nang malaman ni Jose na buntis si Maria, ayaw na niyang pakasalan ito. Pero may anghel na nagpakita sa kaniya sa panaginip: ‘Huwag kang matakot na pakasalan siya. Wala siyang ginawang mali.’ Kaya kinuha ni Jose si Maria bilang asawa at iniuwi sa bahay niya.

“Ginagawa ni Jehova ang lahat ng gusto niyang gawin sa langit at sa lupa.”​—Awit 135:6

Tanong: Ano ang sinabi ni Gabriel kay Maria tungkol sa magiging anak nito? Ano ang naramdaman ni Elisabet at ni Maria tungkol sa nangyari sa kanila?

Mateo 1:18-25; Lucas 1:26-56; Isaias 7:14; 9:7; Daniel 2:44; Galacia 4:4

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share