Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 70 p. 166-p. 167 par. 2
  • Ibinalita ng mga Anghel na Ipinanganak si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ibinalita ng mga Anghel na Ipinanganak si Jesus
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Saan at Kailan Isinilang si Jesus?
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Ang Kapanganakan ni Jesus—Saan at Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Isinilang si Jesus sa Kuwadra
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Ang Kapanganakan ni Jesus—Saan at Kailan?
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 70 p. 166-p. 167 par. 2
Ibinalita ng mga anghel sa mga pastol na ipinanganak si Jesus

ARAL 70

Ibinalita ng mga Anghel na Ipinanganak si Jesus

Ang tagapamahala ng Imperyo ng Roma, si Cesar Augusto, ay nag-utos na pabalikin sa kani-kanilang bayan ang lahat ng Judio para magparehistro. Kaya umuwi sina Jose at Maria sa Betlehem, na pinanggalingan ng pamilya ni Jose. Malapit nang manganak noon si Maria.

Pagdating nila sa Betlehem, wala na silang matuluyan, kaya sa kuwadra na lang sila pumunta. Doon ipinanganak ni Maria si Jesus. Binalot niya ng malambot na tela ang sanggol at inilagay ito sa sabsaban.

Malapit sa Betlehem, may mga pastol sa bukid na nagbabantay ng mga tupa. Biglang may nagpakitang anghel at napalibutan sila ng liwanag mula kay Jehova. Natakot ang mga pastol, pero sinabi ng anghel: ‘Huwag kayong matakot. May magandang balita ako. Ipinanganak ngayon sa Betlehem ang Mesiyas.’ Nang sandaling iyon, lumitaw ang maraming anghel, na nagsasabi: ‘Purihin ang Diyos sa langit, at magkaroon ng kapayapaan sa lupa.’ Pagkatapos, nawala ang mga anghel. Ano ang ginawa ng mga pastol?

Nag-usap-usap sila: ‘Pumunta tayo sa Betlehem.’ Umalis sila agad, at pagdating doon, nakita nila sa kuwadra sina Jose at Maria kasama ang kanilang bagong-silang na sanggol.

Namangha ang lahat ng nakabalita tungkol sa sinabi ng anghel sa mga pastol. Pinag-isipan at tinandaang mabuti ni Maria ang sinabi ng anghel sa mga pastol. Binalikan ng mga pastol ang kanilang mga tupa, at pinasalamatan si Jehova sa lahat ng kanilang nakita at narinig.

“Nanggaling ako sa Diyos at narito ako dahil sa kaniya. Hindi ako dumating sa sarili kong pagkukusa, kundi isinugo ako ng Isang iyon.”​—Juan 8:42

Tanong: Paano ibinalita ng mga anghel na ipinanganak si Jesus? Sino ang nakita ng mga pastol pagdating nila sa Betlehem?

Lucas 2:1-20; Isaias 9:6

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share