Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 71 p. 168-p. 169 par. 1
  • Iningatan ni Jehova si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Iningatan ni Jehova si Jesus
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Lalaking Inakay ng Isang Bituin
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Pagtakas Mula sa Isang Malupit na Hari
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Tumakas Sila Mula sa Napakasamang Tagapamahala
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Si Jesus at ang mga Astrologo
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 71 p. 168-p. 169 par. 1
Nakasakay sa asno si Maria at ang batang si Jesus at naglalakad si Jose sa tabi

ARAL 71

Iningatan ni Jehova si Jesus

Sa isang lupain sa silangan ng Israel, may mga taong naniniwalang puwede silang akayin ng mga bituin. Isang gabi, may ilang lalaki mula sa Silangan na nakakita ng isang parang bituing nagniningning sa langit, at sinundan nila ito. Inakay sila ng “bituin” papunta sa Jerusalem. Nagtanong-tanong doon ang mga lalaki: ‘Nasaan ang batang magiging hari ng mga Judio? Nandito kami para yumukod sa kaniya.’

Nabalitaan ni Herodes, na hari ng Jerusalem, ang tungkol sa magiging bagong hari kaya nag-alala siya. Tinanong niya ang mga punong saserdote: ‘Saan ipapanganak ang haring ito?’ Sinabi nila: ‘Ayon sa mga propeta, sa Betlehem daw ito ipapanganak.’ Kaya ipinatawag ni Herodes ang mga lalaking taga-Silangan at sinabi: ‘Pumunta kayo sa Betlehem at hanapin ang batang iyon. Bumalik kayo dito at sabihin sa akin kung nasaan siya. Gusto ko ding yumukod sa kaniya.’ Pero nagsisinungaling siya.

Naglakbay ulit ang “bituin.” Sinundan ito ng mga lalaki hanggang sa Betlehem. Huminto ang “bituin” sa tapat ng isang bahay, at pumasok doon ang mga lalaki. Nakita nila si Jesus at ang nanay niyang  si Maria. Yumukod sila sa bata at niregaluhan siya ng ginto, olibano, at mira. Si Jehova nga ba ang nag-utos sa mga lalaking ito na hanapin si Jesus? Hindi.

Nang gabing iyon, sinabi ni Jehova kay Jose sa panaginip: ‘Gustong patayin ni Herodes si Jesus. Tumakas kayo papuntang Ehipto. Doon muna kayo tumira hanggang sa sabihin kong puwede na kayong bumalik.’ Agad na pumunta sa Ehipto si Jose at ang pamilya niya.

Sinabi ni Jehova sa mga lalaking taga-Silangan na huwag silang babalik kay Herodes. Nang hindi bumalik ang mga lalaki, nagalit si Herodes. Dahil hindi niya mahanap si Jesus, nag-utos siyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa Betlehem na kaedad ni Jesus. Pero ligtas na si Jesus; nasa Ehipto na siya.

Nang mamatay si Herodes, sinabi ni Jehova kay Jose: ‘Puwede na kayong bumalik.’ Bumalik sina Jose, Maria, at Jesus sa Israel at tumira sa Nazaret.

“Magiging gayon ang salitang lumalabas sa bibig ko . . . , at siguradong magtatagumpay ito sa dapat nitong isakatuparan.”​—Isaias 55:11

Tanong: Bakit nanganib ang buhay ni Jesus? Paano siya iningatan ni Jehova?

Mateo 2:1-23; Mikas 5:2

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share