Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 72 p. 170-p. 171 par. 2
  • Ang Batang si Jesus

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Batang si Jesus
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Tinanggap Niya ang Banal na Patnubay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Siya ay Nagprotekta, Naglaan, at Nagtiyaga
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Nagprotekta, Naglaan, Nagtiyaga
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Lumaki sa Nazaret
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 72 p. 170-p. 171 par. 2
Nakaupo ang 12-taóng gulang na si Jesus sa gitna ng mga guro sa templo

ARAL 72

Ang Batang si Jesus

Tumira sina Jose at Maria sa Nazaret kasama si Jesus at ang iba pa nilang anak. Nagkakarpintero si Jose para buhayin ang pamilya niya, at tinuturuan niya sila tungkol kay Jehova at sa Kaniyang Kautusan. Laging pumupunta sa sinagoga ang kanilang pamilya para sumamba kay Jehova. Taon-taon din silang pumupunta sa Jerusalem kapag Paskuwa.

Noong 12 anyos si Jesus, naglakbay ang pamilya nila papuntang Jerusalem gaya ng lagi nilang ginagawa. Napakaraming tao sa lunsod para sa Paskuwa. Pagkatapos ng Paskuwa, naglakbay pauwi sina Jose at Maria, at inisip nilang kasama ng grupo si Jesus. Pero nang hanapin nila si Jesus, hindi nila siya makita.

Bumalik sila sa Jerusalem, at tatlong araw nila siyang hinanap. Nang bandang huli, pumunta sila sa templo. Nandoon si Jesus, nakaupo kasama ng mga guro habang nakikinig at nagtatanong sa kanila. Sa sobrang hanga ng mga guro kay Jesus, nagsimula silang magtanong sa kaniya. At humanga sila sa mga sagot niya. Nakita nilang naiintindihan niya ang Kautusan ni Jehova.

Alalang-alala sina Jose at Maria. Sinabi ni Maria: ‘Anak, kung saan-saan ka namin hinanap! Saan ka nagpunta?’ Sinabi ni Jesus: ‘Hindi n’yo po ba alam na dapat ay nandito ako sa bahay ng aking Ama?’

Sumama si Jesus sa mga magulang niya pauwi sa Nazaret. Tinuruan siya ni Jose na magkarpintero. Ano’ng masasabi mo tungkol kay Jesus noong bata siya? Habang lumalaki si Jesus, lalo siyang tumatalino, at lalong natutuwa sa kaniya ang Diyos at ang mga tao.

Nakaupo sina Jose at Maria sa mesa kasama si Jesus at ang ilang kapatid nito

“O aking Diyos, kaligayahan kong gawin ang kalooban mo, at ang kautusan mo ay nasa puso ko.”​—Awit 40:8

Tanong: Saan nakita nina Jose at Maria si Jesus? Bakit siya nandoon?

Mateo 13:55, 56; Marcos 6:3; Lucas 2:40-52; 4:16; Deuteronomio 16:15, 16

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share