Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 100 p. 232-p. 233 par. 2
  • Sina Pablo at Timoteo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sina Pablo at Timoteo
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Si Timoteo—Handang Maglingkod
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Gustong Tumulong ni Timoteo sa mga Tao
    Turuan ang Iyong mga Anak
  • Timoteo—“Isang Tunay na Anak sa Pananampalataya”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • “Ang Aking Minamahal at Tapat na Anak sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 100 p. 232-p. 233 par. 2
Sina Pablo, Silas, at Timoteo

ARAL 100

Sina Pablo at Timoteo

Sina Eunice at Loida at ang batang si Timoteo

Si Timoteo ay isang kabataang Kristiyano sa kongregasyon sa Listra. Griego ang tatay niya, at Judio naman ang kaniyang nanay. Mula pagkabata, si Timoteo ay tinuruan ng kaniyang nanay na si Eunice at lolang si Loida tungkol kay Jehova.

Nang dumalaw si Pablo sa Listra noong ikalawang paglalakbay niya para mangaral, napansin niyang mapagmahal at matulungin si Timoteo sa mga kapatid. Niyaya ni Pablo si Timoteo na sumama sa paglalakbay. Paglipas ng mga taon, naging mahusay na mangangaral at tagapagturo ng mabuting balita si Timoteo dahil sa pagsasanay ni Pablo.

Ginabayan ng banal na espiritu sina Pablo at Timoteo saanman sila pumunta. Isang gabi, sa pangitain, sinabi ng isang lalaki kay Pablo na pumunta sa Macedonia para tulungan sila. Kaya pumunta doon sina Pablo, Timoteo, Silas, at Lucas para mangaral at bumuo ng mga kongregasyon.

Sa lunsod ng Tesalonica sa Macedonia, maraming lalaki at babae ang naging Kristiyano. Pero may mga Judio na nainggit kay Pablo at sa mga kasama niya. Nagtawag sila ng mga tao para hulihin at kaladkarin ang mga kapatid papunta sa mga tagapamahala ng lunsod, at isinigaw nila: ‘Ang mga ito ay kalaban ng gobyerno ng Roma!’ Nanganib ang buhay nina Pablo at Timoteo, kaya kinagabihan, tumakas sila papunta sa Berea.

Nakinig ang mga taga-Berea sa mabuting balita, at naging Kristiyano ang mga Griego at Judiong tagaroon. Pero may mga Judiong taga-Tesalonica na nagpunta doon para manggulo, kaya umalis si Pablo at pumunta sa Atenas. Naiwan sa Berea sina Timoteo at Silas para palakasin ang mga kapatid. Nang maglaon, pinabalik ni Pablo si Timoteo sa Tesalonica para tulungan ang mga kapatid na harapin ang matinding pag-uusig doon. Pagkatapos, ipinadala ni Pablo si Timoteo sa iba pang kongregasyon para patibayin ang mga kapatid.

Ipinapasulat ni apostol Pablo ang kaniyang liham kay Timoteo habang nakabilanggo siya sa isang bahay at nakakadena sa isang guwardiya

Sinabi ni Pablo kay Timoteo: ‘Ang mga gustong maglingkod kay Jehova ay pag-uusigin.’ Inusig at ikinulong si Timoteo dahil sa pananampalataya niya. Pero masaya siya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong patunayan ang katapatan niya kay Jehova.

Sinabi ni Pablo sa mga taga-Filipos: ‘Papupuntahin ko si Timoteo sa inyo. Tuturuan niya kayong lumakad sa katotohanan, at sasanayin niya kayo sa ministeryo.’ Alam ni Pablo na maaasahan si Timoteo. Sa loob ng maraming taon, nagtulungan sila bilang magkaibigan at magkapatid sa pananampalataya.

“Wala na akong ibang maisusugo na may saloobing gaya ng sa kaniya, na talagang magmamalasakit sa inyo. Dahil inuuna ng lahat ng iba pa ang sarili nilang kapakanan at hindi ang kay Jesu-Kristo.”​—Filipos 2:20, 21

Tanong: Sino si Timoteo? Bakit naging malapít na magkaibigan sina Pablo at Timoteo?

Gawa 16:1-12; 17:1-15; Filipos 2:19-22; 2 Timoteo 1:1-5; 3:12, 14, 15; Hebreo 13:23

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share