Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lfb aralin 102 p. 236-p. 237 par. 2
  • Ang Pagsisiwalat kay Juan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagsisiwalat kay Juan
  • Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Aklat ng Bibliya Bilang 66—Apocalipsis
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Mga Mensahe ng Anghel sa Ating Kaarawan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Ang Karingalan ng Makalangit na Trono ni Jehova
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
  • Pangitain
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
lfb aralin 102 p. 236-p. 237 par. 2
Isinusulat ni apostol Juan ang aklat ng Apocalipsis

ARAL 102

Ang Pagsisiwalat kay Juan

Habang nakabilanggo si apostol Juan sa isla ng Patmos, 16 na magkakasunod na pangitain, o larawan, tungkol sa hinaharap ang ipinakita sa kaniya ni Jesus. Inihayag ng mga pangitaing iyon kung paano mapapabanal ang pangalan ni Jehova, kung paano darating ang Kaharian niya, at kung paano matutupad sa lupa ang kaniyang kalooban gaya sa langit.

Sa isang pangitain, nakita ni Juan si Jehova na nakaupo sa kaniyang maningning na trono sa langit, at nakapaligid ang 24 na matatanda na nakaputing damit at may gintong korona. May mga sinag ng liwanag at dagundong ng kulog na nagmumula sa trono. Ang 24 na matatanda ay yumuyukod at sumasamba kay Jehova. Sa isa namang pangitain, nakita ni Juan ang isang malaking pulutong mula sa lahat ng bansa, bayan, at wika na sumasamba kay Jehova. Ang Kordero, si Jesus, ang nagpapastol sa kanila at umaakay sa kanila sa tubig ng buhay. Nang bandang huli, sa isa pang pangitain, nagsimulang mamahala si Jesus bilang Hari sa langit, kasama ang 24 na matatanda. Sa sumunod na pangitain, nakita ni Juan na nakipagdigma si Jesus sa dragon na si Satanas at sa mga demonyo nito. Pinalayas sila ni Jesus mula sa langit at inihagis sa lupa.

Si Jesus at ang 144,000 sa Bundok Zion

Pagkatapos, nakita ni Juan ang Kordero at ang 144,000 na nakatayo sa Bundok Sion. Nakakita din siya ng anghel na lumilipad sa ibabaw ng lupa at nagsasabi sa mga tao na matakot sa Diyos at papurihan Siya.

Sa sumunod na pangitain, naganap ang digmaan ng Armagedon. Sa digmaang iyon, natalo ni Jesus at ng kaniyang hukbo ang masamang sistema ni Satanas. Sa huling pangitain, nakita ni Juan na nagkaroon ng kapayapaan at pagkakaisa sa langit at sa lupa. Si Satanas at ang supling niya ay tuluyang napuksa. Pinabanal ng lahat ng nasa langit at lupa ang pangalan ni Jehova at siya lamang ang sinamba nila.

“Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae at sa pagitan ng supling mo at ng supling niya. Dudurugin ng supling niya ang ulo mo, at susugatan mo ito sa sakong.”​—Genesis 3:15

Tanong: Ilang pangitain ang nakita ni Juan? Ano ang gagawin ni Jesus sa panahon ng digmaan ng Armagedon?

Apocalipsis 1:1-3; 4:1-11; 7:4, 9-17; 11:15-18; 12:5-12; 14:6, 7; 16:14, 16; 21:5

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share