Introduksiyon sa Seksiyon 3
Nang sumunod na mga taon pagkatapos ng Baha, iniulat ng Bibliya ang pangalan ng iilang taong naglingkod kay Jehova. Kasama rito si Abraham, na nakilala bilang kaibigan ni Jehova. Bakit siya tinawag na kaibigan ni Jehova? Kung isa kang magulang, tulungan ang iyong anak na maunawaang si Jehova ay interesado sa kaniya at gusto siyang tulungan. Tulad ni Abraham at ng iba pang tapat na mga lalaking gaya nina Lot at Jacob, malaya tayong makakahingi ng tulong kay Jehova. Makapagtitiwala tayong tutuparin ni Jehova ang lahat ng kaniyang pangako.