Introduksiyon sa Seksiyon 6
Nang sa wakas ay makarating sa Lupang Pangako ang mga Israelita, ang tabernakulo ang naging sentro ng tunay na pagsamba. Mga saserdote ang nagturo ng Kautusan, at mga hukom naman ang gumabay sa bansa. Makikita sa seksiyong ito kung gaano kalaki ang puwedeng maging epekto sa iba ng desisyon at pagkilos ng isang tao. Ang bawat Israelita ay may pananagutan kay Jehova at sa kaniyang kapuwa. Ipakita kung paano naging mabuting halimbawa sina Debora, Noemi, Josue, Hana, Samuel, at ang anak ni Jepte. Ipakita din na kahit ang mga di-Israelitang gaya nina Rahab, Ruth, Jael, at ng mga Gibeonita ay nagdesisyon ding kumampi sa mga Israelita dahil alam nilang kasama ng mga ito ang Diyos.