Introduksiyon sa Seksiyon 10
Si Jehova ang Hari ng lahat. Kontrolado niya ang mga bagay-bagay, at walang ibang makakagawa nito. Halimbawa, iniligtas niya si Jeremias mula sa malalim na balon. Iniligtas niya sina Sadrac, Mesac, at Abednego mula sa nag-aapoy na hurno at si Daniel naman mula sa bibig ng mga leon. Pinrotektahan ni Jehova si Esther para mailigtas nito ang kaniyang mga kababayan. Hindi hahayaan ni Jehova na magpatuloy ang kasamaan magpakailanman. Ang mga hula tungkol sa napakalaking estatuwa at malaking puno ay garantiya na aalisin ng Kaharian ni Jehova ang lahat ng kasamaan, at mamamahala ito sa lupa.