Introduksiyon sa Seksiyon 12
Tinuruan ni Jesus ang mga tao tungkol sa Kaharian ng langit. Tinuruan din niya silang ipanalangin na pabanalin ang pangalan ng Diyos, na dumating ang Kaniyang Kaharian, at maganap ang Kaniyang kalooban dito sa lupa. Kung isa kang magulang, ipaliwanag sa iyong anak ang ibig sabihin ng panalanging iyan para sa atin. Hindi hinayaan ni Jesus na sirain ni Satanas ang katapatan niya. Pumili si Jesus ng kaniyang mga apostol, at sila ang mga naunang miyembro ng Kaharian. Pansinin ang kasigasigan ni Jesus para sa tunay na pagsamba. Dahil gusto ni Jesus na tumulong sa iba, nagpagaling siya ng mga maysakit, nagpakain ng mga nagugutom, at bumuhay pa nga ng mga patay. Sa pamamagitan ng mga himalang ito, ipinakita niya kung ano ang gagawin ng Kaharian para sa mga tao.