AWIT 71
Tayo’y Hukbo ni Jehova!
Printed Edition
1. Ang hukbo ni Jehova,
Ulo’y si Kristo!
Hadlangan man ng Diyablo,
Sulong sa paghayo.
Tayo ay maglilingkod,
Saanmang dako;
Hindi natatakot
At ’di hihinto.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova,
Kristo’y kaisa.
Ihayag natin na
Diyos naghari na.
2. Tayo ay lingkod ng Diyos;
Ating hanapin
Nawawalang tupa at
mga dumaraing.
Madalas na dalawin
at pakainin;
Ating anyayahan
sa pulong natin.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova,
Kristo’y kaisa.
Ihayag natin na
Diyos naghari na.
3. Ang hukbo ni Jehova,
Lider si Kristo,
Sa laban ay handa na,
At hindi susuko.
Pero dapat mag-ingat
At maging tapat.
Kahit sa panganib,
’Di matitinag.
(KORO)
Ang hukbo ni Jehova,
Kristo’y kaisa.
Ihayag natin na
Diyos naghari na.