AWIT 105
Si Jehova ay Pag-ibig
Printed Edition
1. Si Jehova ay pag-ibig,
Dapat na tularan siya.
Pag-ibig sa Diyos at kap’wa
ay ating ipakita.
Ang buhay na maligaya
ay ating matatamo;
Pag-ibig na tulad-Kristo
ay hindi mabibigo.
2. Udyok ng pag-ibig sa Diyos,
Ang iba’y ibigin din.
Kapag tayo ay mahina,
Tumutulong siya sa ’tin.
Ang pag-ibig ay dalisay,
mabait, matiisin.
Kapatid ating ibigin,
Lalo pang pasidhiin.
3. Huwag sanang tampo sa kap’wa,
Manaig sa damdamin.
’Pag sa Diyos tayo’y umasa
Ituturo niya sa ’tin:
Pag-ibig sa Diyos at kap’wa—
Ang tunay na pag-ibig.
Lagi sanang ipakita,
Magiliw na pag-ibig.
(Tingnan din ang Mar. 12:30, 31; 1 Cor. 12:31–13:8; 1 Juan 3:23.)