KAHON 2B
Ang Buhay at Kapanahunan ni Ezekiel
Ang ibig sabihin ng Ezekiel ay “Pinalalakas ng Diyos.” Maraming babala sa mga hula niya, pero ang pinakamensahe nito ay kaayon ng kahulugan ng pangalan niya at pinalalakas nito ang pananampalataya ng mga gustong sumamba sa Diyos sa dalisay na paraan.
KAKONTEMPORARYONG MGA PROPETA
JEREMIAS
Mula sa isang pamilya ng mga saserdote; matagal na naglingkod sa Jerusalem (647-580 B.C.E.)
HULDA
Isang propetisa nang matagpuan ang aklat ng Kautusan sa templo noong mga 642 B.C.E.
DANIEL
Mula sa tribo ni Juda (kung saan nagmula ang mga hari); dinala sa Babilonya noong 617 B.C.E.
HABAKUK
Isang propeta sa Juda malamang noong pasimula ng paghahari ni Jehoiakim
OBADIAS
Humula laban sa Edom malamang noong mawasak ang Jerusalem
KAILAN SILA HUMULA? (LAHAT NG PETSA AY B.C.E.)
MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA BUHAY NI EZEKIEL (LAHAT NG PETSA AY B.C.E.)
mga 643: Ipinanganak
617: Dinalang bihag sa Babilonya
613: Nagsimulang humula; nakita ang pangitain ni Jehova
612: Nakita ang pangitain tungkol sa apostasya sa templo
611: Sinimulang hatulan ang Jerusalem
609: Namatay ang asawa; nagsimula ang huling pagkubkob sa Jerusalem
607: Natiyak na nawasak na ang Jerusalem
593: Nakita ang pangitain tungkol sa templo
591: Inihula ang pagsalakay ni Nabucodonosor sa Ehipto; natapos ang pagsulat
MGA HARI NG JUDA AT NG BABILONYA
659-629: Itinaguyod ni Josias ang dalisay na pagsamba, pero namatay sa pakikipaglaban kay Paraon Necoh
628: Namahala nang tatlong buwan ang masamang haring si Jehoahaz at nabihag ni Paraon Necoh
628-618: Namahala ang masamang haring si Jehoiakim; ginawang basalyo ni Paraon Necoh
625: Natalo ni Nabucodonosor ang hukbo ng Ehipto
620: Unang pagsalakay ni Nabucodonosor sa Juda; ginawang basalyo sa Jerusalem si Jehoiakim
618: Nagrebelde si Jehoiakim kay Nabucodonosor, pero malamang na namatay sa ikalawang pagsalakay ng mga Babilonyo sa Lupang Pangako
617: Namahala nang tatlong buwan ang masamang haring si Jehoiakin, na tinatawag ding Jeconias, at pagkatapos ay sumuko kay Nabucodonosor
617-607: Ginawang basalyo ni Nabucodonosor si Zedekias, isang masamang hari na natatakot sa tao
609: Nagrebelde si Zedekias kay Nabucodonosor, na sumalakay naman sa Juda sa ikatlong pagkakataon
607: Winasak ni Nabucodonosor ang Jerusalem; binihag niya si Zedekias, binulag ito, at dinala sa Babilonya