Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 1
  • May Interes sa Kausap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • May Interes sa Kausap
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Jesus
  • Ang Matututuhan Natin kay Jesus
  • Tularan si Jesus
  • Natural
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Magpasimula ng Pakikipag-usap na Aakay sa Pagpapatotoo
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Kung Paano Mapasusulong ang Kakayahang Makipag-usap
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapasimula ng Pag-uusap Para Makapagpatotoo Nang Di-pormal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 1

PAGPAPASIMULA NG PAKIKIPAG-USAP

Si Jesus habang nakikipag-usap sa isang babae sa tabi ng balon.

Juan 4:​6-9

ARALIN 1

May Interes sa Kausap

Prinsipyo: “Hindi inuuna [ng pag-ibig] ang sariling kapakanan.”​—1 Cor. 13:​4, 5.

Ang Ginawa ni Jesus

Si Jesus habang nakikipag-usap sa isang babae sa tabi ng balon.

VIDEO: Si Jesus at ang Babae sa Tabi ng Balon

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Juan 4:​6-9. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Ano ang napansin ni Jesus sa babae bago niya ito kausapin?

  2. Sinabi ni Jesus: “Puwede mo ba akong bigyan ng maiinom?” Bakit epektibo iyan sa pagpapasimula ng pakikipag-usap?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Malamang na maging maganda ang pag-uusap kung gusto ng kausap natin ang paksa.

Tularan si Jesus

3. Makibagay. Huwag mong ipilit na ipakipag-usap ang paksang pinaghandaan mo. Gumamit ng paksa na posibleng iniisip ng iba sa panahong iyon. Pag-isipan:

  1. ‘Ano ba ang laman ng balita?’

  2. ‘Ano ang pinag-uusapan ng mga kapitbahay ko, katrabaho, o kaklase?’

4. Magmasid. Pag-isipan:

  1. ‘Ano ang ginagawa ng kakausapin ko? Ano kaya ang nasa isip niya?’

  2. ‘Ano ang ipinapakita ng damit niya, hitsura, o bahay tungkol sa paniniwala o kultura niya?’

  3. ‘Okey lang ba sa kaniya na kausapin ko siya ngayon?’

5. Makinig.

  1. Huwag magsalita nang magsalita.

  2. Tulungan siyang masabi ang iniisip niya. Kung angkop, tanungin mo siya.

TINGNAN DIN

Mat. 7:12; 1 Cor. 9:​20-23; Fil. 2:4; Sant. 1:19

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share