Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lmd aralin 11
  • Simple

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Simple
  • Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ginawa ni Jesus
  • Ang Matututuhan Natin kay Jesus
  • Tularan si Jesus
  • Tulungan ang Bible Study Mo na Mabautismuhan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Kung Paano Magba-Bible Study Gamit ang “Masayang Buhay Magpakailanman”
    Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
  • Bigyang-Pansin ang Iyong “Sining ng Pagtuturo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Abutin ang Puso ng Inyong Estudyante sa Bibliya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Mahalin ang mga Tao—Gumawa ng mga Alagad
lmd aralin 11

PAGGAWA NG MGA ALAGAD

Si Jesus habang nagtuturo malapit sa lawa. May mga ibon na lumilipad, at may mga bulaklak sa paligid.

Mat. 6:​25-27

ARALIN 11

Simple

Prinsipyo: “Kung kayo ay gagamit ng mga salitang mahirap maintindihan, paano malalaman ng iba kung ano ang sinasabi ninyo?”—1 Cor. 14:9.

Ang Ginawa ni Jesus

Si Jesus habang nagtuturo malapit sa lawa. May mga ibon na lumilipad, at may mga bulaklak sa paligid.

VIDEO: Inilarawan ni Jesus Kung Gaano Tayo Kahalaga sa Ating Ama

1. Panoorin ang VIDEO, o basahin ang Mateo 6:25-27. Pagkatapos, pag-isipan ang sumusunod na mga tanong:

  1. Paano inilarawan ni Jesus na mahalaga tayo kay Jehova?

  2. Kahit maraming alam si Jesus tungkol sa mga ibon, sa anong simpleng detalye siya nagpokus? Bakit epektibo ang paraang iyon?

Ang Matututuhan Natin kay Jesus

2. Kapag simple tayo magturo, maaalala ng mga tao ang itinuturo natin at maaabot natin ang puso nila.

Tularan si Jesus

3. Huwag magsalita nang magsalita. Imbes na sabihin ang lahat ng alam mo tungkol sa paksa, magpokus lang sa impormasyong nasa publikasyon. Kapag nagtanong ka, hintaying makasagot ang study mo. Kung hindi niya alam ang sagot o kung hindi ito kaayon ng Bibliya, gumamit ng ibang tanong para akayin siya sa tamang sagot. Kapag naintindihan na niya ang pangunahing punto, lumipat na sa susunod na punto.

4. Tulungan siyang makita ang koneksiyon ng pag-aaralan ninyo at ng mga bagay na alam na niya. Halimbawa, bago simulan ang aralin tungkol sa pagkabuhay-muli, puwede mong banggitin ang alam na niya tungkol sa kalagayan ng mga patay.

5. Piliin ang mga ilustrasyong gagamitin mo. Bago gumamit ng ilustrasyon, pag-isipan:

  1. ‘Simple ba ang ilustrasyon?’

  2. ‘Maiintindihan ba ito agad ng study ko?’

  3. ‘Maaalala kaya niya ang pangunahing punto​—hindi lang ang ilustrasyon?’

TINGNAN DIN

Mat. 11:25; Juan 16:12; 1 Cor. 2:1

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share