Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Abednego”
  • Abednego

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Abednego
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Sadrac
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mesac
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Nakaligtas ang Kanilang Pananampalataya sa Matinding Pagsubok
    Magbigay-Pansin sa Hula ni Daniel!
  • Daniel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Abednego”

ABEDNEGO

[malamang, Lingkod ni Nebo [isang diyos ng Babilonya]].

Ang pangalang ibinigay kay Azarias, isa sa mga kabataang Judio na mula sa mga maharlika o mga taong mahal na dinalang bihag ni Nabucodonosor noong 617 B.C.E.​—Dan 1:3, 4, 7.

Naniniwala ang ilang iskolar na ang “Nego” ay isang sinadyang pagbabago sa pangalang Nebo, isang diyos ng Babilonya, upang madaling matanggap ni Azarias ang pangalang iyon. (Tingnan ang NEBO Blg. 4.) Ang pangalang Azarias ay nangangahulugang “Si Jehova ay Tumulong,” at lumilitaw na patuloy na ginamit ng mga Hebreong iyon ang kanilang orihinal na mga pangalan kapag sila-sila lamang ang nag-uusap. (Dan 2:17) Sa Babilonya, si Azarias, kasama sina Daniel, Hananias at Misael, ay nagpamalas ng katapatan sa Diyos may kinalaman sa pagkain at inumin. Pagkatapos, matagumpay silang nakapasa sa isang tatlong-taóng kurso ng pagsasanay at sa isang pagsusuri na personal na isinagawa ng haring si Nabucodonosor. (Dan 1:4, 5, 8-20) Nang maglaon, dahil sa kahilingan ni Daniel, inatasan ng hari si Azarias at ang dalawa nitong kasamahan bilang mga administrador sa nasasakupang distrito ng Babilonya.​—Dan 2:49.

Pagkatapos nito, si Abednego (Azarias) at ang dalawa niyang kasamahang Hebreo ay tinuligsa ng ilang Caldeo sa harap ng hari dahil sa pagtangging yumukod sa ginintuang imahen ng hari noong patugtugin ang isang partikular na musika. (Dan 3:5, 8, 12) Nang tanungin sila ng nagngangalit na hari, ang kanilang matatag na pagtangging labagin ang kanilang budhi at ang pagpapahayag nila ng pananampalataya kay Jehova ay naging dahilan upang ipahagis sila ng hari sa isang pagkainit-init na hurno, kung saan sila makahimalang ipinagsanggalang ng anghelikong kinatawan ng Diyos. Matapos silang palayain ng nangangatog na hari, at nang makita ng mga miyembro ng maharlikang korte na ang tatlong lalaki ay nakaligtas nang walang pinsala, muli nilang natamo ang pabor ng hari.​—Dan 3:15-30; tingnan ang MESAC; SADRAC.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share