ADONIRAM
[Ang (Aking) Panginoon ay Mataas (Dinakila)].
Isang prinsipe, may-kakayahang administrador, at anak ni Abda. Naglingkod si Adoniram bilang tagapangasiwa niyaong mga tinawag para sa puwersahang pagtatrabaho noong panahon ng mga paghahari nina David, Solomon, at Rehoboam, anupat gumanap siya ng mahalagang bahagi sa maraming proyekto ng pagtatayo ni Solomon. Nang maglaon, nang maghimagsik ang sampung tribo laban sa mababagsik na utos ni Rehoboam sa Sikem noong 997 B.C.E., isinugo ng hari sa bayan ang tagapangalap na ito para sa puwersahang pagtatrabaho, ngunit ‘pinagpupukol nila siya ng mga bato, anupat siya ay namatay.’ (2Cr 10:18) Tinutukoy siya sa Kasulatan bilang Adoniram (1Ha 4:6; 5:14), Adoram (2Sa 20:24; 1Ha 12:18), at Hadoram.—2Cr 10:18.