Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Adoni-zedek”
  • Adoni-zedek

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Adoni-zedek
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • “Si Jehova na Aming Diyos ang Paglilingkuran Namin”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Aklat ng Bibliya Bilang 6—Josue
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Hoham
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Josue
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Adoni-zedek”

ADONI-ZEDEK

[Ang (Aking) Panginoon ay Katuwiran].

Isang hari ng Jerusalem noong panahon ng pananakop ng Israel sa Lupang Pangako. Nakisama si Adoni-zedek sa iba pang maliliit na kaharian sa K ng Jordan upang sama-sama nilang pigilan ang nanlulupig na mga hukbo ni Josue. (Jos 9:1-3) Gayunman, nakipagpayapaan kay Josue ang mga Hivitang tumatahan sa Gibeon. Bilang pagganti sa Gibeon at upang mahadlangan din ang iba sa paglipat sa panig ng kaaway, isinanib ni Adoni-zedek ang kaniyang hukbo sa mga hukbo ng apat pang hari ng mga Amorita, at kinubkob niya ang Gibeon at nakipagdigma siya rito. Dahil sa kagila-gilalas na pagliligtas ni Josue sa mga Gibeonita at sa matinding pagkatalo ng pinagsama-samang mga hukbong iyon, ang limang hari ay tumakas patungong Makeda, kung saan sila nasukol sa isang yungib. Si Josue mismo ang pumatay kay Adoni-zedek at sa apat pang hari sa harap ng kaniyang mga hukbo, at ibinitin sila sa mga tulos. Ang kanilang mga bangkay ay inihagis nang dakong huli sa loob ng yungib, na naging libingan nila.​—Jos 10:1-27.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share