AHASBAI
Isang Maacateo na ang “anak” na si Elipelet ay isang namumukod-tanging mandirigma ni David. (2Sa 23:34) Ang Maaca na pinagmulan ni Ahasbai ay maaaring tumutukoy sa Abel-bet-maaca sa teritoryo ng Neptali o sa Siryanong kaharian ng Maaca. (2Sa 20:14; 10:6, 8) Sa katulad na talaan sa 1 Cronica 11:35, 36, ang pangalang Ur ang lumilitaw sa halip na Ahasbai.