AHIMAN
1. Kapatid nina Sesai at Talmai. Malamang na sina Ahiman, Sesai, at Talmai ay kumakatawan sa tatlong pamilya ng mga Anakim na naninirahan sa Hebron nang tiktikan ng mga Israelita ang Canaan noong 1512 B.C.E. (Bil 13:22, 28, 33) Pagkaraan ng maraming taon, ang mga Anakim na ito ay itinaboy ni Caleb at ng nanlulupig na mga Judeano.—Jos 14:10-15; 15:13, 14; Huk 1:10.
2. Isang Levita at isa sa mga pinagkakatiwalaang bantay ng pintuang-daan ng Jerusalem pagkabalik mula sa pagkatapon sa Babilonya.—1Cr 9:17, 18.