Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Alejandria”
  • Alejandria

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Alejandria
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Nabuhay-Muli ang Aklatan ng Alejandria
    Gumising!—2005
  • Ang “Septuagint”—Kapaki-pakinabang Noon at Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Hindi Kami Natakot—Kasama Namin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Gresya—Ang Ikalimang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Alejandria”

ALEJANDRIA

Pangunahing lunsod at bantog na metropolis ng Ehipto noong panahon ni Jesus at ng kaniyang mga apostol. Ang makabagong Alejandria (tinatawag na Al-Iskandariyah sa wikang Arabe) ay nakatayo sa sinaunang lugar na ito at ngayon ay isang daungang-dagat, pero may ilang bahagi ng sinaunang lunsod na makikita pa rin dito.

Ang pangalan ng lunsod ay hinango sa pangalan ni Alejandrong Dakila, na nagtatag nito noong 332 o 331 B.C.E. Nang maglaon, ito ang naging pangunahing lunsod ng Ehipto, at sa ilalim ng mga Ptolemy, ang Helenistikong mga hari ng Ehipto, ang Alejandria ay ginawang kabisera ng Ehipto. Nanatili ito bilang kabisera nang manupil ang Roma noong 30 B.C.E. at nagsilbi itong sentro ng administrasyon ng Ehipto hanggang noong mga panahong Romano at Bizantino at maging hanggang nang manakop ang mga Arabe noong ikapitong siglo C.E.

Sa loob ng mahabang panahon, mga Judio ang bumubuo sa malaking bahagi ng populasyon ng Alejandria, na ang pinakamataas na bilang ay umabot marahil sa 500,000 katao. Ang marami sa kanila ay mga inapo ng mga Judiong tumakas patungong Ehipto pagkatapos na bumagsak ang Jerusalem noong 607 B.C.E. Noong panahon ni Tiberio, sinasabing sila ang bumubuo sa mga isang katlo ng populasyon ng lunsod. Sa sarili nilang purok sa HS ng lunsod, ang mga Judio ay pinahintulutang mamuhay ayon sa sarili nilang mga kautusan at magkaroon ng sarili nilang gobernador.

Sa Alejandria ginawa ang Griegong Septuagint, ang unang salin ng Hebreong Kasulatan. Lumilitaw na sinimulan itong gawin ng mga Judiong Alejandrino noong panahon ng paghahari ni Ptolemy (II) Philadelphus (285-246 B.C.E.).

Pahapyaw lamang ang pagtukoy ng Bibliya sa Alejandria. Kabilang ang “mga Alejandrino,” o mga Judio mula sa Alejandria, sa mga nakipagtalo kay Esteban bago ito litisin. Ang Alejandria ang tinubuang lunsod ni Apolos, isang lalaking mahusay magsalita. At dalawa sa mga barkong sinakyan ni Pablo sa paglalakbay bilang isang bilanggong patungo sa Roma ay nagmula sa Alejandria. Tiyak na ang mga ito ay malalaking barko na may lulang mga butil at kabilang sa malaking plotang Alejandrino na tumatawid sa Dagat Mediteraneo patungong Puteoli, Italya, bagaman kung minsan ay namamaybay ang mga ito at dumaraan sa mga daungan ng Asia Minor.​—Gaw 6:9; 18:24; 27:6; 28:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share