ALMODAD
Ang una sa 13 anak na lalaki ni Joktan; ikalimang salinlahi mula kay Sem; pamangkin ni Peleg, na kasama sa talaangkanan ng Mesiyas. Si Almodad ang pinagmulan ng isa sa 70 pamilyang nabuhay pagkaraan ng Baha, na nanirahan sa Arabia. (Gen 10:26, 32; 1Cr 1:20) Ayon sa tradisyong Arabe, siya ang pinuno ng tribong Jurham at ama ng isang asawa ni Ismael.