Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Amazias”
  • Amazias

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Amazias
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • “Higit Pa Roon ang Kayang Ibigay sa Iyo ni Jehova”
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2023
  • Jehoas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Salitain ang Salita ng Diyos Nang May Katapangan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Jecolias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Amazias”

AMAZIAS

[Si Jehova ay Malakas].

1. Isang Levita na mula sa pamilya ni Merari; anak ni Hilkias, ama ni Hasabias. Ang isa sa kaniyang mga inapo ay kasama sa mga nangasiwa sa pag-awit sa harap ng tabernakulo noong panahon ni David.​—1Cr 6:31, 32, 45.

2. Hari ng Juda na noong 858 B.C.E. ay umupo sa trono sa edad na 25 at namahala sa loob ng 29 na taon mula noong paslangin ang kaniyang amang si Jehoas. Ang kaniyang ina ay si Jehoadin (Jehoadan) at ang kaniyang asawa ay si Jecolias. (2Ha 14:1, 2; 15:2; 2Cr 25:1; 26:3) Nang maging matatag na ang kaharian sa kaniyang kamay, pinatay niya ang mga pumaslang sa kaniyang ama, ngunit sinunod niya ang kautusan ni Moises na huwag parusahan ang kanilang mga anak. (2Ha 14:5, 6; Deu 24:16) Nagpamalas siya ng kasigasigan sa tunay na pagsamba noong siya’y naghahari, ngunit hindi niya taglay ang “isang sakdal na puso” at mayroon siyang malulubhang pagkukulang na nagdulot ng kapahamakan kapuwa sa kaniyang sarili at sa bansang Juda. Ang ulat ng kaniyang pamamahala ay pangunahin nang tumatalakay sa dalawang kampanyang pangmilitar.​—2Cr 25:2.

Ang unang tagumpay ni Amazias ay laban sa Edom, o Seir, kung saan siya gumamit ng isang hukbo na binubuo ng 300,000 mula sa Juda at Benjamin. Umupa rin siya ng 100,000 mersenaryo mula sa Israel, ngunit dahil sa payo ng isang lalaki ng Diyos ay binayaran na lang niya sila at pinauwi. Binigyan ni Jehova si Amazias ng malaking tagumpay sa Libis ng Asin, anupat napatay niya ang 20,000 sa mga kaaway at nabihag niya ang Sela, na pinanganlan niya ng Jokteel. Gayunman, iniuwi ni Amazias ang mga diyos ng Seir at sinimulan niyang sambahin ang mga iyon, na naging dahilan upang mag-init ang galit ni Jehova laban sa kaniya: “Bakit mo hinanap ang mga diyos ng bayang hindi nakapagligtas ng kanilang sariling bayan mula sa iyong kamay?” Pinalubha pa ni Amazias ang situwasyon sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa propeta ni Jehova.​—2Ha 14:7; 2Cr 25:5-16.

Ang ikalawang kampanya ni Amazias ay puro kabiguan mula pasimula hanggang katapusan. Ang 100,000 mula sa Israel na pinauwi ay nanlusob sa mga bayan ng Juda nang pabalik na sila sa hilaga. Maaaring ito ang nag-udyok kay Amazias upang may-kahangalang hamunin si Jehoas na hari ng malakas na hilagang kaharian, anupat sinabi niya: “Pumarito ka. Magkita tayo nang mukhaan.” Ang tugon ni Jehoas: Kay hangal ng isang matinik na panirang-damo na harapin ang isang dambuhalang sedro upang mayurakan lamang ng isang mabangis na hayop! Hindi nakinig si Amazias, anupat lumilitaw na nagmamalaki siya dahil sa tagumpay na katatamo lamang niya, at itinalaga na ni Jehova na matatalo si Amazias dahil sa pagsasagawa nito ng idolatriya. Ginanap ang pagbabaka sa Bet-semes, tumakas ang Juda, nabihag si Amazias, nasira ang isang bahagi ng pader ng Jerusalem na mga 178 m (584 na piye) ang haba, at maraming kayamanan ng templo at bihag na panagot ang dinala sa Samaria.​—2Ha 14:8-14; 2Cr 25:13, 17-24.

Mula noong panahong talikdan ni Amazias ang pagsamba kay Jehova, isang sabuwatan ang binuo laban sa kaniya na nang bandang huli ay nagtulak kay Amazias upang tumakas patungo sa Lakis. Doon ay pinatay siya ng mga nagsabuwatan. Si Amazias ay hinalinhan ng kaniyang 16-na-taóng-gulang na anak na si Azarias (Uzias).​—2Ha 14:17-21; 2Cr 25:25-28.

3. Isang saserdote ng pagsamba sa guya sa Bethel na nagsumbong kay Jeroboam II na ang propetang si Amos ay isang sedisyonista. Tinangka niya mismo na takutin si Amos upang bumalik ito sa Juda. Gayunman, nanatiling matatag ang propeta anupat sinabi nito kay Amazias na ang kaniyang asawa ay magiging patutot, ang kaniyang mga anak ay mabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at si Amazias mismo ay mamamatay sa maruming lupa.​—Am 7:10-17.

4. Ama ni Josa; mula sa tribo ni Simeon. Si Josa ay isa sa mga pinuno na lumipol sa mga Meunim at mga Hamita na naninirahan sa libis na malapit sa Gedor noong mga araw ni Hezekias.​—1Cr 4:24, 34, 38-41.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share