AMRAPEL
Hari ng Sinar sa timugang Mesopotamia, at isang kaalyado at tagasuporta ni Haring Kedorlaomer ng Elam noong sumalakay ito at magtagumpay sa limang hari sa Mababang Kapatagan ng Sidim. Nang bandang huli, si Amrapel at ang kaniyang mga kaalyado ay naabutan ni Abram at lubusang nalupig noong iligtas nito si Lot. (Gen 14:1-16) Sinisikap ng ilan na iugnay si Amrapel kay Hammurabi, ngunit ang pag-uugnay na ito ay hindi tiyak.