ANAIAS
[Sumagot si Jah].
1. Isa sa mga lalaki na tumayo sa kanan ni Ezra nang basahin nito ang Kautusan sa bayan noong unang araw ng ikapitong buwan. Malamang na isa siyang saserdote o prinsipe.—Ne 8:2, 4.
2. Isa sa mga pangulo ng bayan na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa kontrata ng pagtatapat noong mga araw ni Nehemias.—Ne 10:1, 22.