ARUMA
[Kaitaasan; Mataas na Dako].
Isang bayan sa teritoryo ng Efraim kung saan nanahanan si Abimelec, anak ni Jerubaal, at kung saan niya inilunsad ang kaniyang pagsalakay sa mga Sikemita. (Huk 9:41) Ipinapalagay na ito rin ang Khirbet el-ʽOrmah (Horvat ʼel-ʽUrmeh), mga 8 km (5 mi) sa TS ng Sikem. Sinasabi ng ilan na ito rin ang Ruma na tinutukoy sa 2 Hari 23:36.—Tingnan ang RUMA.