ASURIM, MGA
Mga inapo ni Dedan, anak ni Joksan na isa sa mga anak ni Abraham kay Ketura. (Gen 25:1-3) Sa tekstong Hebreo, ang paggamit ng pangmaramihang hulapi (im) sa pangalang ito ay maaaring nagpapahiwatig na ang Asurim ay kumakatawan sa isang tribo o bayan. Hindi masabi nang tiyakan kung aling tribo ang tinutukoy dito, ngunit malamang na ito ay isang tribo sa hilagang Arabia. Gayunman, hindi sila dapat ipagkamali sa mga Asiryano na mga inapo ng anak ni Sem na si Asur.