ATALIA
[Ni (Kay) Atalus].
Sa pagtatapos ng unang paglalakbay ni Pablo bilang misyonero, lumulan siya sa isang barko mula sa daungang bayan ng Atalia na nasa baybayin ng Pamfilia sa Asia Minor, patungong Antioquia sa Sirya, na mga 500 km (300 mi) ang layo.—Gaw 14:24-26.
Ang Atalia, na makabagong-panahong Antalya, ay itinatag ni Attalus II, hari ng Pergamo (159-138 B.C.E.), sa bukana ng Ilog Cataractes. Naging pangunahing daungan ito ng probinsiya ng Pamfilia, anupat nagsilbing isang labasan para sa mayamang loobang rehiyon ng TK Frigia at isang kumbinyenteng lulanan mula sa gitnang Asia Minor patungong Sirya at Ehipto. Bagaman sa pasimula ay daungan lamang ito ng kalapit na lunsod ng Perga, na mga 13 km (8 mi) papaloob mula sa baybayin, naging mas mahalaga ang Atalia kaysa sa lunsod na iyon noong panahon ng mga apostol.