Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bahurim”
  • Bahurim

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bahurim
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Baharumita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bar-humita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Panahon ni David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bahurim”

BAHURIM

[Pinili].

Isang nayon sa tabi ng Bundok ng mga Olibo, na nasa H panig ng isang sinaunang daan patungong Jerico at Jordan. Karaniwang ipinapalagay na ito rin ang Ras et-Tmim, 2 km (mga 1 mi) sa HS ng Temple Mount.

Nang si Mical na anak na babae ni Saul ay ibabalik na kay Haring David, si Paltiel ay naglakad na tumatangis kasunod niya hanggang sa Bahurim. Pagdating doon, saka lamang huminto si Paltiel sa pagsunod nang iutos ni Heneral Abner na: “Yumaon ka, bumalik ka na!” (2Sa 3:16) Nang maglaon, nang lisanin ni David ang Jerusalem dahil sa pakikipagsabuwatan ng kaniyang anak na si Absalom, tumawid siya sa agusang libis ng Kidron, umahon sa “sampahan ng mga Olibo,” tumawid sa kabila ng pinakataluktok, at dumating sa Bahurim. (2Sa 15:23, 30; 16:1, 5) Dito, sa may gilid ng bundok, naglakad si Simei, ang Benjamitang kamag-anak ni Saul, na isinusumpa si David at naghahagis ng mga bato at nagsasaboy ng alabok. (2Sa 16:5-13; 19:15-23) Ang Bahurim din ang dako kung saan kinailangang magtago sa balon ng isang lalaki sina Ahimaas at Jonatan, mga anak ni Zadok at ni Abiatar, nang sila’y yumaon upang maghatid ng mensahe kay Haring David.​—2Sa 15:27; 17:17-20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share