BEEROTITA
[Ng (Mula sa) Beerot].
Isang taong tumatahan sa Beerot o katutubo ng Beerot. Noong panahong pumasok ang mga Israelita sa Canaan, ang mga naninirahan dito ay mga Hivita. Nang maglaon ay iniatas ang teritoryong ito sa Benjamin, at ang mga tumatahang Hivita ay naging “mga tagakuha ng kahoy at mga tagasalok ng tubig.” (Jos 9:17, 27; 18:21, 25; tingnan ang BEEROT.) Ang mga pumaslang kay Is-boset na sina Baanah at Recab ay “mga anak ni Rimon na Beerotita, mula sa mga anak ni Benjamin.” (2Sa 4:2, 5, 9) Si Naharai, isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, ay tinatawag na “Beerotita” sa 2 Samuel 23:37 at “Berotita” sa 1 Cronica 11:39.