BELA
1. Panganay na anak ni Benjamin, na kabilang sa sambahayan ni Jacob na “sumama kay Jacob sa Ehipto.” Siya ang naging ulo ng pamilya ng mga Belaita.—Gen 46:8, 21, 26; Bil 26:38; 1Cr 7:6; 8:1-5.
2. Ang anak ni Beor at ang unang binanggit na hari ng Edom. Matagal nang panahon bago pa magkaroon ng hari ang Israel, si Bela ay naghahari na sa kaniyang kabiserang lunsod ng Dinhaba.—Gen 36:31, 32; 1Cr 1:43.
3. Anak ni Azaz na mula sa tribo ni Ruben.—1Cr 5:3, 8.
4. Isang naiibang anyo ng pangalan ng lunsod ng Zoar at lumilitaw na ito ang dating pangalan ng lunsod. Binanggit ito sa Genesis 14:2, 8 kasama ng iba pang mga lunsod sa kapatagan.—Tingnan ang ZOAR.