BENE-BERAK
[Mga Anak ni Berak].
Isang lunsod ng Dan na ipinapalagay na siya ring Ibn Ibraq (o Kheiriyeh [Horvat Bene-beraq]), 8 km (5 mi) sa STS ng Tel Aviv-Yafo (Jope). (Jos 19:40, 45) Ang pangalang Arabe na Ibn Ibraq ay katumbas ng Hebreong Bene-berak. Sa isang prisma ni Senakerib, iniuulat ng emperador na iyon hinggil sa kampanya ng mga Asiryano laban kay Hezekias na kaniyang “kinubkob ang Bet-Dagon, Jope, Banai-Barqa [Bene-berak], Azuru.”—Ancient Near Eastern Texts, inedit ni J. Pritchard, 1974, p. 287.