BEROTA, BEROTAI
[Mga Balon].
Sa pangitain ni Ezekiel may kinalaman sa manang teritoryo ng Israel, ang Berota ay nakatala bilang nasa hilagaang hangganan sa pagitan ng Hamat at Sibraim. (Eze 47:16) Waring ito rin ang Berotai sa 2 Samuel 8:8, isang lunsod ni Hadadezer na hari ng Zoba, kung saan kumuha si David ng “pagkarami-raming tanso.” Sa katulad na ulat sa 1 Cronica 18:8, pangalang Cun ang makikita sa halip na Berotai. Karaniwang ipinapalagay na ang Berota (o Berotai) ay siya ring makabagong-panahong Britel (Bereitan), mga 10 km (6 na mi) sa TK ng Baalbek sa libis na kilala bilang Beqaʽ, anupat nasa pagitan ng kabundukan ng Lebanon at ng Anti-Lebanon.