BETONIM
[Mga Nuwes ng Pistasyo].
Isang lunsod sa S ng Jordan. Ibinigay ito ni Moises bilang “kaloob” sa tribo ni Gad. (Jos 13:24-27) Karaniwang ipinapalagay na ang Betonim ay ang makabagong-panahong Khirbet Batneh sa bulubunduking lupain na 21 km (13 mi) sa K ng Raba (sa Ammon).