Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bezalel”
  • Bezalel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bezalel
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Mahalaga Ba Kung Sino ang mga Makakakita sa Ginagawa Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • B5 Tabernakulo at Mataas na Saserdote
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • B5 Tabernakulo at Mataas na Saserdote
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
  • Mga Tapat Noong Una—Ginabayan ng Espiritu ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bezalel”

BEZALEL

[Sa Ilalim ng Lilim (Silungan) ng Diyos].

1. Punong artisano at tagapagtayo ng tabernakulo, “anak ni Uri na anak ni Hur mula sa tribo ni Juda.” (Exo 31:1, 2; 1Cr 2:20) Si Jehova mismo ang nag-atas kay Bezalel at nangako na ‘pupuspusin niya siya ng espiritu ng Diyos sa karunungan at sa unawa at sa kaalaman at sa bawat uri ng kasanayan sa paggawa, sa pagdidisenyo ng mga kagamitan, sa paggawa sa ginto at pilak at tanso, at sa paggawa sa mga batong pangkalupkop at sa paggawa sa kahoy upang gumawa ng bawat uri ng kasangkapan.’ (Exo 31:3-5; 35:30-33) Ang mamahaling mga materyales na ito na ginamit ni Bezalel sa paggawa ay nagmula sa bukas-palad na abuloy ng “nagkukusang-loob” na bayan, at ang mga ito ay naging “labis-labis pa.”​—Exo 35:4-9, 20-29; 36:3-7.

Ang naging pangunahing katulong ni Bezalel ay si Oholiab (Exo 31:6), at maraming mga “may pusong marunong” ang gumawang kasama nila, ngunit kay Bezalel pa rin nakaatang ang pananagutang pangasiwaan ang masalimuot na gawaing iyon. (Exo 35:10-19, 25, 26, 34; 36:1, 2) Makikita ito sa halinhinang paggamit ng mga panghalip na “siya,” tumutukoy kay Bezalel, at “sila,” tumutukoy sa kaniyang mga katulong. (Exo 36-39) Dahil sa lawak ng kasanayan ni Bezalel sa iba’t ibang gawain at dahil ‘pinuspos siya ng espiritu ng Diyos’ (Exo 35:31), matagumpay niyang napangasiwaan ang paggawa ng sumusunod: mga telang pantolda at ang burda ng mga ito, mga pangawit na ginto at tanso, ang panlabas na mga pantakip na yari sa balat, mga hambang kahoy na kinalupkupan ng ginto, ang panloob na pantabing (Exo 36), ang kinalupkupang kaban ng tipan at ang mga kerubin nito, ang mesa at ang mga kagamitan nito, ang ginintuang kandelero at altar ng insenso, ang itinakdang langis na pamahid at insenso (Exo 37), ang altar ng handog na sinusunog, ang tansong hugasan at patungan, ang looban (Exo 38), ang epod at ang pektoral nito na kinalupkupan ng mahahalagang bato, at ang mahahabang damit na pansaserdote (Exo 39). Nang umupo si Solomon sa trono pagkaraan ng 475 taon, ang tolda ng tabernakulo, ang kaban ng tipan, at ang altar na tanso ay ginagamit pa rin.​—2Cr 1:1-6.

2. Isa sa mga anak ni Pahat-moab na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak bilang tugon sa paghimok ni Ezra.​—Ezr 10:30, 44.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share