BEZER
1. [posible, Mahalagang Inambato]. Isa sa “mga anak ni Zopa” na mula sa tribo ni Aser.—1Cr 7:30, 36, 37.
2. [Dakong Di-malapitan]. Isang Levitang kanlungang lunsod. Isa ito sa tatlong kanlungang lunsod na nasa S panig ng Jordan at pangunahing itinalaga sa tribo ni Ruben. (Deu 4:41-43; Jos 20:8; 21:36; 1Cr 6:78) Tinukoy ito bilang “nasa talampas” at nasa “Jerico sa gawing silangan ng Jordan . . . sa ilang.” Karaniwang ipinapalagay na ang Bezer ay ang makabagong Umm el-ʽAmad, na nasa matalampas na rehiyon, 19 na km (12 mi) sa T ng Raba (sa Ammon). Binabanggit ito sa Batong Moabita bilang isa sa mga lunsod na binihag at pinatibay ni Haring Mesa ng Moab nang maghimagsik siya laban sa Israel pagkamatay ni Haring Ahab noong mga 920 B.C.E.—2Ha 3:5.