BINUI
[pinaikling anyo ng Benaias, nangangahulugang “Si Jehova ay Nagtayo”].
1. Isang ninuno sa Israel na ang mga inapo, mahigit sa 600 ang bilang, ay bumalik sa Jerusalem noong 537 B.C.E. (Ne 7:6, 7, 15) Tinatawag siyang Bani sa Ezra 2:10.
2. Isang Levita na bumalik kasama ni Zerubabel, 537 B.C.E. (Ne 12:1, 8) Lumilitaw na ang kaniyang anak na si Noadias ang tumulong na mag-asikaso sa karagdagang mga kagamitan sa templo nang dalhin ni Ezra ang mga iyon sa templo sa Jerusalem noong 468 B.C.E.—Ezr 8:33.
3. Isa sa “mga anak ni Pahat-moab” na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak dahil sa pagpapatibay-loob ni Ezra.—Ezr 10:30, 44.
4. Isang Israelita na ang ilan sa “mga anak” ay nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga.—Ezr 10:38, 44.
5. Isang Israelita na tumulong kay Nehemias sa muling pagtatayo ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:24) Maaaring ang anak ding ito ni Henadad ang Blg. 6.
6. Isa sa Levitikong mga anak ni Henadad. Posibleng ang ninuno ng isa na sumang-ayon sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” noong mga araw ni Nehemias; kung gayon ay maaaring siya rin ang Blg. 2. (Ne 9:38; 10:1, 9) Sa kabilang dako, kung si Binui mismo ang nagtatak sa kasunduang ito, sa halip na ang isa sa kaniyang mga inapo, maaaring siya rin ang Blg. 5. O maaaring siya’y ibang tao lamang na may gayong pangalan.