BOHAN
[posible, Hinlalaki].
1. Isang inapo ni Ruben. Ipinangalan sa kaniya ang isang hangganang bato ng teritoryo ng Juda.—Jos 15:6; 18:17.
2. Ang “bato ni Bohan” ay nagsilbing palatandaan ng hangganan ng mga tribo nina Benjamin at Juda. (Jos 15:6; 18:17) Ito’y nasa HK sulok ng Dagat Asin at maliwanag na nasa harap ng paanan ng tulad-talampas na Mababang Kapatagan ng Acor.