Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Upo, Halamang”
  • Upo, Halamang

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Upo, Halamang
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Jonas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ikaw ba’y Natututo Buhat sa Ating Dakilang Tagapagturo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Natuto Siyang Maging Maawain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Upo, Halamang”

UPO, HALAMANG

[sa Heb., qi·qa·yohnʹ; sa Ingles, bottle-gourd plant].

Ang terminong Hebreo nito ay kumakatawan sa halaman na makahimalang pinalaki ni Jehova nang buong magdamag upang magbigay ng lilim para sa propetang si Jonas habang nakaupo ito sa isang kubol at naghihintay sa mga resulta ng kaniyang panghuhula laban sa Nineve. Ang halaman ay nagdulot ng malaking ginhawa kay Jonas hanggang noong pangyarihin ni Jehova na salantain ito ng uod, anupat natuyo ito. Dahil dito, ang propeta ay nabilad sa nakapapasong sinag ng araw.​—Jon 4:5-11.

Dalawang halaman ang karaniwang iminumungkahi bilang posibleng mga salin ng Hebreong qi·qa·yohnʹ. Mas pabor ang ilang salin ng Bibliya (RS, tlb; JB) sa “halamang lansina” (Ricinus communis), isang santaunang halaman na mabilis lumaki anupat umaabot sa taas na 3 m (10 piye) o higit pa, at may malalaking dahon. Ang pinapaborang saling ito ay salig sa isang mungkahi ni Jerome na maaaring ang qi·qa·yohnʹ ay ang punong lansina, at salig din sa pagkakahawig sa pagitan ng salitang Hebreo at ng Ehipsiyong kiki. Iminumungkahi naman ng ibang mga iskolar at mga tagapagsalin ang “upo” (gourd) (AT) o “halamang upo” (NW). Ang A Hebrew and English Lexicon of the Old Testament (nina Brown, Driver, at Briggs, 1980, p. 884) ay nagmumungkahi ng kahulugang “upo” (bottle-gourd), isang halamang malalapad ang dahon at inuuri sa botanika bilang Lagenaria siceraria (dating tinatawag na Cucurbita lagenaria).

Mabilis tumubo ang halamang upo. May kinalaman sa halamang ito, ang Dictionnaire de la Bible (Tomo 5, tud. 1098) ay nagsasabi: “Ang halamang upo ay kilalang lumalaki nang napakabilis sa mga bansa na mainit ang klima at na ginagamit ito upang matakpan ng halaman ang mga pader ng mga bahay at mga silungan kung saan ito kumakapit tulad ng Virginia creeper, anupat naglalaan ng proteksiyon laban sa init sa pamamagitan ng mga baging nito at ng malalaking dahon nito. . . . Sa makasagisag na mga larawang ipininta salig sa kuwento ni Jonas na makikita sa mga katakumba, ang halamang ito ang laging ipinakikita.” (Inedit ni F. Vigouroux, Paris, 1912) Kaya ang isang halamang upo na karaniwang lumalaki nang mabilis ay makahimalang pinalaki nang buong magdamag sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Jehova upang maipagsanggalang si Jonas sa mainit na sinag ng araw.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share