BOZKAT
[Namimintog na Bagay [samakatuwid nga, mataas na dako]].
Isang bayan sa mana ng Juda. (Jos 15:39) Tagarito si Adaias na lolo ni Haring Josias sa panig ng ina. (2Ha 22:1) Yamang nakatala ito sa pagitan ng Eglon at Lakis, lumilitaw na ito’y nasa mababang lupain, o nasa rehiyon ng Sepela. Hindi tiyak ang pagkakakilanlan nito. Ipinapalagay ng ilan na ito ay nasa Dawaʼimeh (makabagong-panahong Amazya), na mga 19 na km (12 mi) sa K ng Hebron.