Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bul”
  • Bul

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bul
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Bul
    Glosari
  • Kalendaryo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Aralin Bilang 2—Ang Panahon at ang Banal na Kasulatan
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bul”

BUL

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “ani; bunga”].

Ang ikawalong buwang lunar sa sagradong kalendaryo ng mga Israelita at katumbas ng ikalawang buwan sa sekular na kalendaryo. (1Ha 6:37, 38; Gen 7:11) Saklaw nito ang huling bahagi ng Oktubre at unang bahagi ng Nobyembre. Pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya, ang buwang ito ay tinawag na Marheshvan o Marchesvan, na nang maglaon ay pinaikli sa anyong Heshvan. Ang mga pangalang ito na ginamit pagkaraan ng pagkatapon ay hindi lumilitaw sa Bibliya ngunit masusumpungan sa Judiong Talmud, sa mga akda ni Josephus, at sa iba pang mga akda.

Nag-uumpisa ang Bul humigit-kumulang kapag nagsimula na ang mga pag-ulan sa taglagas. (Deu 11:14; Joe 2:23; San 5:7) Sa buwang ito ay nagpapatuloy ang paghahasik ng sebada at trigo, at sa hilagang Galilea ay tinitipon naman ang mga olibo. Sa panahong ito, ipinapasok na ng mga pastol ang kanilang mga kawan ng tupa mula sa malalawak na parang upang maisilong ang mga ito sa panahon ng maginaw at maulang mga buwan ng taglamig.

Ayon sa Genesis 7:11 at 8:14, nagsimula ang Baha ng mga araw ni Noe noong ika-17 araw ng “ikalawang buwan,” at ito rin ang buwan nang matuyo na ang lupa pagkalipas ng isang taóng lunar at sampung araw. Tungkol dito, si Josephus (Jewish Antiquities, I, 80 [iii, 3]) ay nagkomento: “Ang kasakunaang ito ay naganap noong ikaanim na raang taon ng pamumuno ni Noe, sa kilala noon na ikalawang buwan, na tinatawag ng mga Macedonio bilang Dius at ng mga Hebreo bilang Marsuan, ayon sa kaayusan ng kalendaryong sinusunod nila sa Ehipto.” Kung gayon, ayon kay Josephus, ang ikalawang buwan noong panahon ni Noe ay katumbas ng buwan ng Bul, o Marheshvan.

Pagkatapos ng Pag-alis mula sa Ehipto, ang Bul ang naging ikawalong buwan sa sagradong kalendaryo, at sa buwang ito natapos ni Solomon ang pagtatayo ng templo sa Jerusalem. (1Ha 6:38) Dahil sa sariling kagustuhan ni Jeroboam, ang tagapagtatag ng humiwalay na hilagang kaharian ng Israel, ipinanukala niya na ang buwang ito ay gawing buwan ng kapistahan, bilang bahagi ng kaniyang plano na ilihis ang pansin ng taong-bayan mula sa Jerusalem at sa mga kapistahan nito.​—1Ha 12:26, 31-33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share