CABON
Isa sa mga lunsod ng Juda sa Sepela. (Jos 15:40) Sa Griegong Septuagint, “Chabra” ang mababasa sa halip na Cabon, kaya naman iniuugnay ng ilan ang bayan na ito sa Khirbet Hibra na 5 km (3 mi) sa STS ng Lakis. Gayunman, batay sa pangalang Hebreo nito, iminumungkahi ng ilan na ito ay ang bayan ng Al Qubeiba (Horvat Kefar Lakhish), 5 km (3 mi) sa TK ng Beit Jibrin (Bet Guvrin).